National Teachers College- Likhaan Club

National Teachers College- Likhaan Club NTC-LIKHAAN Club, Ang Opisyal na Visual Arts Student Org ng National Teachers College. Para sa sining, Para sa bayan!

Bukas sa lahat ng malikhaing estudyante na handang lumikha, tumindig, at maglingkod gamit ang sining.

Resolution No. 001:A RESOLUTION APPOINTING THE TREASURER, AUDITOR, PUBLIC RELATIONS OFFICER, AND SENIOR HIGH SCHOOL REPR...
21/08/2026

Resolution No. 001:
A RESOLUTION APPOINTING THE TREASURER, AUDITOR, PUBLIC RELATIONS OFFICER, AND SENIOR HIGH SCHOOL REPRESENTATIVE OF THE NTC-LIKHAAN CLUB FOR ACADEMIC YEAR 2026-2027.

Following our interview and evaluation process, the NTC Likhaan Club is proud to announce the approval of Resolution No. 001, S. 2026!

The NTC Likhaan Club believes that officially filling these roles ensures our organization runs efficiently, responsibly, and effectively. This strengthens our club as we strive together, improve teamwork, and build meaningful creative experiences.

Congratulations to our newly appointed officers!

• Treasurer : Chaengel Eyrie Espino
• Auditor : Kristianne Marie Padilla
• Public Relations Officer : Kian Baracena
• Senior High School Representative : Kirsten Shiloah Co

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ



Masining na Araw, Mga Manlilikha! 🎨🖌️Maligaya at mapagpalayang Biyernes, mga Manlilikha! Narito ang makabuluhan na kurun...
21/08/2026

Masining na Araw, Mga Manlilikha! 🎨🖌️

Maligaya at mapagpalayang Biyernes, mga Manlilikha! Narito ang makabuluhan na kurunungan sa pagtatapos ng ating linggo

Qoute of the day! 💛

"It's not whether you get knocked down, it's whether you get up" 🍀

Hindi sukatan ng pagkatao mo ang iyong pagkakamali, maaari kang matalo ngayon ngunit hindi ibig sabihin ay talunan ka. Ang mga pagkakamaling ito ay magsisilbing daan upang maging mas matatag, at mas maniwala ka sa sarili mo na kaya mo. Kung kaya nila, mas kaya mo. 💌

REMINDER: Believe in yourself, you are capable of more than you think. ⭐

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

🖥️ Quote and Caption by: Abegail Villamil, Likhaan Member

‎‎



‎🚨 𝐓𝐑𝐀𝐇𝐄𝐃𝐘𝐀 𝐈𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐒𝐓𝐄𝐌𝐀, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎. 🚨‎‎Bago sisihin ang g**o sa asal ng estudyante, baka panahon nang tingnan kun...
20/08/2026

‎🚨 𝐓𝐑𝐀𝐇𝐄𝐃𝐘𝐀 𝐈𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐒𝐓𝐄𝐌𝐀, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎. 🚨

‎Bago sisihin ang g**o sa asal ng estudyante, baka panahon nang tingnan kung ano talaga ang problema sa sistema. 𝐒𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚, 𝐫𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬, 𝐚𝐭 𝐬𝐢𝐬𝐭𝐞𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰-𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐡𝐮𝐦𝐮𝐡𝐮𝐛𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧?

‎Ang g**o ay hindi lamang tagapagturo ng akademikong kaalaman. Sila rin ang nagtuturo ng 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐞𝐭𝐨, 𝐝𝐢𝐬𝐢𝐩𝐥𝐢𝐧𝐚, 𝐤𝐫𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐬𝐢𝐩, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐠𝐮𝐭𝐚𝐧. Hindi nila kontrolado ang bawat kilos ng kanilang estudyante, lalo na sa labas ng 𝐬𝐢𝐥𝐢𝐝-𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧. 🏫

‎Kung may problema sa asal ng kabataan, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐨𝐥𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐬𝐢𝐬𝐢. Mas kailangan natin ng mas maayos na edukasyon, suporta sa mga g**o, at sistemang hindi iniiwan ang 𝐩𝐚𝐫𝐞𝐡𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐚𝐭 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞. 🗣️

‎𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐮𝐫𝐨. 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞. 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐬𝐭𝐞𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧. 👩🏻‍🏫🇵🇭

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

‎‎



𝘼𝙡𝙡 𝙖𝙩 𝙤𝙣𝙘𝙚, 𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙤𝙤𝙠𝙨 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙩 𝙣𝙤𝙬 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙨𝙚𝙚 𝙮𝙤𝙪…Para ka kasing 𝘴𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘴𝘦𝘰 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘋’𝘺𝘰𝘴 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢...
19/08/2026

𝘼𝙡𝙡 𝙖𝙩 𝙤𝙣𝙘𝙚, 𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙤𝙤𝙠𝙨 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙩 𝙣𝙤𝙬 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙨𝙚𝙚 𝙮𝙤𝙪…

Para ka kasing 𝘴𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘴𝘦𝘰 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘋’𝘺𝘰𝘴 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢, 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭.

Kaya naman, mga mahal naming Sining na mala-Anghel, narito na ang inyong pagkakataong magningning! ✨

🎨 OFFICIAL DP BLAST NG LIKHAAN CLUB

FRESHIE: https://twb.nz/freshiesntc
SOPHOMORE: https://twb.nz/sophomorentclikhaan
JUNIOR: https://twb.nz/juniorsntc
SHS: https://twb.nz/seniorhighschoolntc

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

‎‎



𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐦𝐮𝐛𝐨𝐠, 𝐄𝐛𝐢𝐝𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐦𝐮𝐥𝐮𝐭𝐚𝐧𝐠. 🌊‎‎𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘰𝘯𝘥𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘧𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘰𝘭, 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮u...
18/08/2026

𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐦𝐮𝐛𝐨𝐠, 𝐄𝐛𝐢𝐝𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐦𝐮𝐥𝐮𝐭𝐚𝐧𝐠. 🌊

‎𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘰𝘯𝘥𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘧𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘰𝘭, 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮u𝘭𝘶𝘣𝘰𝘨? 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘺𝘦𝘬𝘵𝘰, 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘴𝘶𝘭𝘵𝘢? 𝘈𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘨𝘶𝘵𝘢𝘯, 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘵𝘪𝘭𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘰𝘵? 👀🤔

‎Ang flood control ay dapat proteksyon—hindi oportunidad para sa 𝐤𝐨𝐫𝐚𝐩𝐬𝐲𝐨𝐧. Sa gitna ng mga ulat at alegasyon tungkol sa 𝐠𝐡𝐨𝐬𝐭 𝐩𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬 at maling paggamit ng pondo, nararapat lamang na humingi tayo ng 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐚𝐫𝐞𝐧𝐜𝐲, 𝐢𝐦𝐛𝐞𝐬𝐭𝐢𝐠𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐠𝐮𝐭𝐚𝐧. Hindi dapat maging normal ang pagbaha at mas lalong hindi dapat normal ang 𝐤𝐨𝐫𝐚𝐩𝐬𝐲𝐨𝐧. 🐊

‎Bawat pisong nakokolekta mula sa buwis ay dapat mapunta sa serbisyong tunay at nararamdaman ng 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧. Hindi ito dapat mawala sa mga proyektong hindi naman nakikita o 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐩𝐚𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧. 💸💰

‎𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. ‎𝐏𝐚𝐧𝐚𝐠𝐮𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐠𝐨𝐭. 🇵🇭


Masining na Araw, mga Manlilikha! 🎨🖌️Ikaw ba ay estudyante na nag-aaral sa NTC at interesadong tumakbo bilang bahagi ng ...
17/08/2026

Masining na Araw, mga Manlilikha! 🎨🖌️

Ikaw ba ay estudyante na nag-aaral sa NTC at interesadong tumakbo bilang bahagi ng ehekutibo, maging miyembro, o kaya naman maging bahagi ng technical working committee ng LIKHAAN? 🤔 Tamang-tama! Marahil ikaw na ang pinaka-hihintay namin!

📌 Maging bahagi ng organisasyong naniniwalang ang sining ay hindi lamang talento kundi isang paraan ng paglilingkod at pagbibigay-inspirasyon.

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

‎‎



Masining na Araw, Mga Manlilikha! 🎨🖌️Maligaya at mapagpalayang Lunes mga manlilikha! Narito ang maikling karunungan at i...
17/08/2026

Masining na Araw, Mga Manlilikha! 🎨🖌️

Maligaya at mapagpalayang Lunes mga manlilikha! Narito ang maikling karunungan at inspirasyon upang simulan ang ating Linggo!

🌼 Wisdom of the day!

“If love is the motive the motivation will follow” 🍂

Madalas nating hinihintay na dumating ang ating motibasyon bago tayo magsimula. ✨
Ngunit marahil, kailangan muna nating mahalin ang ating ginagawa upang kusang sumunod ang motibasyon. 🤍

PAALALA: Mahalin ang proseso. Magtiwala sa tamang panahon. ⌛

Ikaw? What’s your motive? Share it below! ⬇️

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

🖥️ Quote and Caption by: Mikaela Jean Fulgencio, Likhaan Member

‎‎



𝐎𝐨𝐩𝐬, 𝐨𝐨𝐩𝐬, 𝐨𝐨𝐩𝐬! 𝐎𝐮𝐭𝐟𝐢𝐭 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐍𝐓𝐂𝐢𝐚𝐧'𝐬!Masining na Araw, mga Manlilikha! 🎨🖌️At dahil nalalapit na ang pagsisimula ang p...
16/08/2026

𝐎𝐨𝐩𝐬, 𝐨𝐨𝐩𝐬, 𝐨𝐨𝐩𝐬! 𝐎𝐮𝐭𝐟𝐢𝐭 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐍𝐓𝐂𝐢𝐚𝐧'𝐬!

Masining na Araw, mga Manlilikha! 🎨🖌️

At dahil nalalapit na ang pagsisimula ang panibagong taon ng pasukan aming ipinapaalala sa inyo na huwag kalimutang sumunod sa NTC dress code policy dahil ang tunay na 𝐁𝐚𝐝𝐝𝐢𝐞 ay hindi lumalabag sa patakarang ibinigay ng ating paaralan! 🤩✨

Nakalagay sa ibaba ang mga pinahihintulutang kasuotan ng paaralan. Mangyaring magsilbi itong gabay at huwag kalimutan sundin ang itinakdang dress code policy. 👇😁

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

‎‎



𝐘𝐨𝐨𝐡𝐨𝐨! 𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧! 👀Masining na Araw, mga Manlilikha! 🎨🖌️Isa ka rin ba sa mahilig gumuhit, magsulat, magdisenyo, k...
15/08/2026

𝐘𝐨𝐨𝐡𝐨𝐨! 𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧! 👀

Masining na Araw, mga Manlilikha! 🎨🖌️

Isa ka rin ba sa mahilig gumuhit, magsulat, magdisenyo, kumuha ng mga litrato, kumanta, sumayaw o kaya naman magpahayag ng iyong ideya at talento? Kung oo, LIKHAAN club ang para sa'yo! 🫣😍

Sa LIKHAAN, layunin nating isulong ang "Para sa sining, Para sa Bayan" — isang adhikaing gamitin ang sining hindi lamang upang magpakita ng talento kundi gamitin ito bilang boses, inspirasyon, at daan upang makapagbigay ng positibong ambag sa komunidad. ✊ 🎨

At bilang pagbati sa aming mga magiging miyembro, may surpresang handog kaming inihanda para sa inyo! 🎁 ✨

Halina't huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng LIKHAAN. Pausbungin at patibayin ang iyong pagkamalikhain para sa sarili at para sa bayan! 🏳️‍🌈 ✨

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

10/08/2026

𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐚𝐥𝐢𝐰, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐤𝐢𝐥𝐢𝐠, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐰! 🎶

Handa ka na bang lumikha, maglingkod, at... 𝘜𝘮𝘪𝘣𝘪𝘨?

Nalulungkot o ’di kaya’y nag-iisa? Huwag mag-alala, narito kami para samahan ka! 🫂

Halina’t lumikha‚ umibig‚ at ipagmalaki ang sining na galing sa atin! Mapa sayaw, kanta, guhit, o pagpipinta man ’yan‚ bukas para sa ’yo ang pintuan ng Likhaan!

Kaya ano pang hinihintay mo? Hatakin na ang mga kaibigan o ka ibigan 🫣 dahil sa Likhaan puno ng kasiyahan. 🙌🏻

Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat! Hindi ka na malulungkot dahil imbitado ka sa Alab Tanglaw! Huwag kalimutang mag-register at mag-aya ng kapwa manlilikha‚ sabay-sabay tayong kumanta at magsaya. 🥳

Kaya’t huwag nang mag-emote pa! Sumali na sa Alab Tanglaw 2026 ngayong August 14 ✨Kitakiiiits! 🤩

ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ꜱɪɴɪɴɢ, ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ʙᴀʏᴀɴ
ᴀʀᴛ ᴛʜᴀᴛ ꜱᴇʀᴠᴇꜱ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ

Disclaimer: No copyright infringement intended. All rights belong to their respective owners.

‎‎




Address

629 J. Nepomuceno Street , Manila
Quiapo
1005

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when National Teachers College- Likhaan Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share