06/03/2026
Tatlong taon na kami ng boyfriend ko at nag-propose siya last December. Nakilala ko siya sa isang dating app. Pinoy siya pero lumaki sa ibang bansa at limang taon pa lang silang bumalik dito sa Pilipinas para mag-for good dahil hindi na maganda ang buhay nila roon.
Sa loob ng tatlong taon namin, hindi ako pumayag na may mangyari sa amin. Naniniwala kasi ako sa “marriage before anything else.” Nirerespeto at sinusuportahan naman niya ang paniniwala ko kaya lalo ko siyang minahal.
Apat na buwan na lang at ikakasal na kami. Nitong Valentine’s, nagdesisyon akong ibigay na ang sarili ko sa kanya dahil gusto ko ring malaman kung compatible ba kami pagdating sa s*x life. Habang nasa moment kami, bigla akong nagulat sa nakita ko kaya napabihis ako agad.
Nagtanong siya kung may mali ba sa kanya. Sinabi ko kung ano ang napansin ko, pero ang sagot niya, “Normal lang naman ‘to.” Doon ko naalala na lumaki nga pala siya sa ibang bansa kaya baka iba ang nakasanayan niyang kultura. Sinabi ko na nasa Pilipinas na siya at sana sundin din niya ang nakasanayan dito. Sabi ko may oras pa naman para magbago o mag-adjust, pero ayaw niya.
Sa halip, siya pa ang nagalit at tinanong kung virgin pa raw ba talaga ako at bakit parang may alam ako tungkol sa katawan ng lalaki. Kahit virgin ako, alam ko naman ang itsura ng mga ganoong bagay. Sinabihan pa niya ako na kung makapagsalita raw ako ay parang marami na akong karanasan.
Ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko matanggap ang nakita ko, pero maayos naman siyang partner sa lahat ng ibang aspeto. Iniisip ko kung dapat ko ba siyang pilitin na mag-adjust o tanggapin ko na lang dahil iba ang kultura na kinalakihan niya. Buti na lang at nalaman ko ito bago pa kami ikasal.