23/09/2023
isinasalin ang tradisyon ng pagiging tao,
pero hindi isinasalin ang tradisyon nang pagiging makatao.
pinipili iyon— lantaran ang kabalintunaan sa lupa
nalimot na ng karamihan na sa putik din sila mananahan.
batid ng mga ligaw na halaman ang bungong dapat n'yang hagkan,
batid ng mga halaman ang mga bungo na hindi karapat-dapat maging sisidlan.
-kabatiran,092322
Salamat sa piyesa, Prin! ✨