01/03/2026
| ๐๐ถ๐ด๐น๐ฎ๐ฎ๐ป
Manipis ang kutson sa ibabaw ng makitid na k**a sa loob ng makipot na silid kung saan siya naroroon. Iisang unan lamang ang nasa ibabaw nito at maayos na nakasapin ang isang manipis ding kumot. Marumi na ang bumbilyang nagbibigay ng malamlam na ilaw sa kuwarto, sa tabi ng pinto na inaantay niyang bumukas.
โLokong Marny โto, napasubo tuloy ako.โ Naisip niya. Nagkantiyawan lang sila kanina matapos ang duty. Matagal na daw bago sila nakadaan sa patay-sindi. At matapos ang inuman biglang nagkuwarto-kuwarto ang mga kasamahan. โButi na lang at handa akoโ sabay kapa ng kaniyang wallet kung saan nakasingit ang isang kondom.
Marahang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Sa tantiya niya, disi-siyete lang ito sa amo ng mukha at takot sa mata nang dapuan siya ng tingin. Walang imik nitong isinara ang pinto at umupo sa dulo ng k**a. Pinak**alayo sa kanyang kinatatayuan.
Naghalukipkip ito ng mga braso at nang yumuko, tumakip ang hanggang balikat na buhok sa maamong mukha.
Sa isang iglap, nakita niya ang kanyang panganay sa kinauupuan ng dalaga. Nakahalukipkip ang k**ay at nakayuko nang masermunan niya nung isang linggo nang mahuli ng ina sa pagliban sa klase. Napa-atras siya sa gulat.
Mabilis siyang dumukot ng pera sa bulsa at iniwan ito sa ibabaw ng k**a. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto at nang may madaanan na basurahan, inihagis niya dito ang kondom.
***
Si Geraldine Gentozala-Juachon ay nagtrabaho bilang writer sa telebisyon para sa pambata, lifestyle at travel na programa, gayundin sa pelikula, ahensiya, events at turismo. Naging fellow sa Palihang Rogelio Sicat 12 at 28 th Iligan National Writers Workshop para sa Drama (Jimmy Balacuit Literary Award recipient). Nakapaglathala ng mga dagli sa Liwayway, Agos at Sahaya (Sentro ng Wikang
Filipino). Natanggap ang akda sa antolohiyang Kalimbahin, Points of Contact (Philippine Collegian), Locked Down, Lit Up (UP Manila), Hinaharap sa Isang Iglap, at Aruga Anthology ng UST Publishing House. Napabilang sa 2020 AAG-KFLI Essay Writing Prize (Winner), PNU Normal Awards for Gender-Inclusive Literature 2021 (Honorable Mention) at QC Essay Writing Compet**ion 2020 (Finalist).
Siya ay kasapi UP Mountaineers, at nagturo sa SHS, kolehiyo at ngayon ay kawani ng gobyerno at Kalihim ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas. Kamakailan ay inilabas ng Sentro ng Wikang Filipino ang kaniyang e-book, โBilang
Babaeโ sa ilalim ng programang Aklatang Bayan.