Arjanmar H. Rebeta

Arjanmar H. Rebeta Filmmaker, Content Creator & Photographer ARJANMAR H.
(2)

REBETA is a recipient of "Harvest of Honors" Award for Cinema by the National Commission for Culture and the Arts, Film Ambassador by Film Development Council of the Philippines, Gawad CCP para sa Alternatibong Pelikula at Video by Cultural Center of the Philippines and Indie Bravo Award by Inquirer Philippines. He is an alumnus of Ricky Lee Film Scriptwriting Workshop, Film & Media for Human Righ

ts Advocacy Workshop and the Mindanao Screen Lab. His short films include Palabas (A Country in Moving Pictures), Super-Able, Viral Kids, My Father is an Astro-Not, The Complicated Dance to the Wheel of Life, A Boxing Country, among others. His short film Palabas (A Country in Moving Pictures) was nominated at the 42nd Gawad Urian for the Best Short Film. It was also nominated at the 35th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies for Short Movie of the Year & he was nominated for the Short Movie Director of the Year. Some of his significant awards are: Best Director (7th Hak-İş ISFF - Turkey), Signs Award (17th Signs of the Night - Germany), Best Film (15th Mini Film Festival – Malaysia), Silver Award (25th ifva Award – Hong Kong), Jury Award (10th Kota Kinabalu IFF – Malaysia), Best Documentary Film (3rd Asia Peace Film Festival - Pakistan).

02/06/2026

Location hunt for Dance of the Pigeons. Barangay Tampuhan, Libmanan.

"Open for Pre-Order!"Yan ang sasabihin ko kung sakaling may mga seryoso na mag-order. Noong una, bahagi lang dapat ito n...
02/06/2026

"Open for Pre-Order!"

Yan ang sasabihin ko kung sakaling may mga seryoso na mag-order. Noong una, bahagi lang dapat ito ng isang collection ng mga tula na iba ang pamagat. Subalit, wala pa atang katapusan ang eksena sa Senado kaya kumakapal na ang tula at pahina. Kaya na itong mailuwal bilang isang libro.

Ang imahe na ito visualization ng libro at cover na pinilit kung mabuo base sa nilalaman ng aklat. Ganito rin ang visual study ng iba pang aklat na bahagi ng series na ito. Naghahanap ako ng may kayang gawin itong cover sa pamamagitan ng aktwal na pinta.

Balik tayo sa pre-order. Dahil kung may mga mag-o-order, iproseso na natin ang publication. At bukod dyan. makakatulong din ang inyong suporta sa libro sa aming ginagawang pelikula. Magiging bahagi ito ng fund raising para sa Dance of the Pigeons.

Sa ngayon, patuloy lang tayong magbantay sa Senado at kaganapan sa ating pamahalaan. Maging mulat at mapagmatyag. Pumuna kung kailangan, tumula nang malaya.

"NAGLIBOT SA 21 BARANGAYS". Ganito ako kaseryoso na hanapin ang best locations para sa pelikula.Ilang araw na kami (sa l...
02/06/2026

"NAGLIBOT SA 21 BARANGAYS". Ganito ako kaseryoso na hanapin ang best locations para sa pelikula.

Ilang araw na kami (sa loob ng tatlong buwan) na naglilibot sa Libmanan at Cabusao. At sa tingin ko, ngayong araw, nakita ko na ang mga swak na locations para sa ating Bikolano film Dance of the Pigeons.

Biruin mo, ito ang mga lugar na nalibot na namin: Libmanan (San Pablo, Ibid, Mambalite, Tampuhan, Aslong, Camambugan, Patag, Libod Uno, Handong, Concepcion, Malinao, Putot, Bagadion, Padlos, Candami) at Cabusao (Pandan, Barcelonita, Camagong, San Pedro, Biong)

Tyagaan talaga ang paghahanap ng locations. Dahil sobrang lapit ng pelikulang ito sa akin, hanggang maaari na, nais kong mailapit sa visual ng pelikula ang mismong locations. Ang layunin ay sana, mismong locations pa lang, makapag-kwento na.

Salamat sa mga tumutulong mahanap ito at sa mga nagbibigay din ng permiso na magamit ang mga lugar. Malaking bagay at gaan sa produksyon kung kasama ang komunidad.

Excited na ako na masimulan ang produksyon. Ilalaban! Darating ang mga biyaya!

Salamat Lord. Alay namin sa iyo ito.

02/06/2026

Parang humihingi ng tula araw-araw ang Senado!

SHARMAINE ANG KULAY NI JINGGOYOh, Sharmaine,yakapin mo si Jinggoynang mahigpit na mahigpit.Hanggang sa habang buhay,ikaw...
02/06/2026

SHARMAINE ANG KULAY NI JINGGOY

Oh, Sharmaine,
yakapin mo si Jinggoy
nang mahigpit na mahigpit.
Hanggang sa habang buhay,
ikaw na ang kanyang kasuotan.

Oh, Sharmaine,
tatlong beses na kayong nagtagpo.
Huwag mo na siyang hayaang makalayo.
Kapag wala ka sa kanyang piling
Hinahanap-hanap nya ang iyong asim.

Oh, Sharmaine,
gagawin ni Jinggoy ang lahat-lahat
Kahit pa siya magkalat
kahit pa magnakaw at mapasama
para lang ikaw ay laging makasama,

Ikaw, Oh, Sharmaine,
ang nais niyang kulay.
Kahit nga sa kampanya,
ikaw ang binabandera.

Sa kalayaan man
o sa piitan,
O Sharmaine,
O Sharmaine,
ikaw ang kulay,
ikaw ang pangalan
ng bagong Jinggoy.

Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom

MATA SA (PAA) PHILIPPINE AREA OF ACCOUNTABILITY Bagyong Domeng, (International name: Jangmi)Nakalabas na saPhilippine Ar...
01/06/2026

MATA SA (PAA)
PHILIPPINE AREA OF ACCOUNTABILITY

Bagyong Domeng,
(International name: Jangmi)
Nakalabas na sa
Philippine Area of Responsibility. (PAR)

Bagyong Jinggoy,
(Real name: Jose Pimentel Ejercito Jr.)
Nakapasok na sa
Philippine Area of Accountability. (PAA)

Tatlong beses nang
labas-pasok ang Bagyong Jinggoy
sa Bureau of Jail Management and Penology. (BJMP)

Subalit, patuloy pa ring

pinababalik
at pinababalik

ng mga botante
Para hayaang hagupitin
at kupitin
ang kaban ng bayan.

Ganito tayo sa bagyo.
Patuloy nating pinapapasok sa puwesto
kahit pa lunurin nila tayo sa baha

nang paulit-ulit
at paulit-ulit.

Sana’y bumagyo ng mga mata
ang mata ng bagyo.

Baka lamang mamulat
ang mga matang nabubulag.

Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom

11.11: MAPAPAMURA KA SA SENADOHunyo Uno sa SenadoBawas dos saMajority.Onse-Onse Pwede ringOnsehan.Pantay na ang dalawang...
01/06/2026

11.11: MAPAPAMURA KA SA SENADO

Hunyo Uno
sa Senado
Bawas dos sa
Majority.

Onse-Onse
Pwede ring
Onsehan.

Pantay na ang
dalawang pangkat.

Naghihintayan
ng susunod na
galaw sa chessboard.

Ang bayan ay
nakikinood lang
sa kanilang laro.

O baka naman
tayo ang nilalaro.

Sinong kamay
ang nagpapagalaw
sa dalawang panig.

O sinong kaisipan
ang kumukontrol
sa bayan?

Checkmate na ba nila
ang isa’t isa?

o tayo mismo ang talo.

Discounted na
ang Senado.

Nakakamura ba tayo
o mapapamura?

Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom

Lochunt. Libmanan.
01/06/2026

Lochunt. Libmanan.

AWIT NG MGA POLITIKONG MAY KASO(Awitin sa himno ng “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”)Paa, tuhod, balikat, uloMaga, luhod, may s...
29/05/2026

AWIT NG MGA POLITIKONG MAY KASO
(Awitin sa himno ng “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”)

Paa, tuhod, balikat, ulo
Maga, luhod, may sinat, ako.
Ito ang rason ko pag may kaso.

Paa, tuhod, balikat, ulo
Pilay, basag, bali, hapdi.
Lista ang sakit, kaso'y mapapawi.

Baga, utak, sikmura, puso
Sakit, kahit, wala naman.
Drama ang sakit, tao'y limot naman.

Paa, tuhod, bali ang kaso.
Tanggal ang neck brace, tayo'y maghiyawan.
Tanggal ang knee brace, tayo'y magsayawan.
Tayo sa wheelchair, tayo'y maglundagan!

Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom

HELLO J, THIS IS J.Kapag may posisyon,Binibigyan ng opsyon.Kinakausap, tinatawagan."I will think about it."Sagot ng Blue...
29/05/2026

HELLO J, THIS IS J.

Kapag may posisyon,
Binibigyan ng opsyon.
Kinakausap, tinatawagan.
"I will think about it."
Sagot ng Blue Ribbon Vice Chair
of the Senate.

Kapag mahirap at maliit,
Binibigyan agad ng tiket.
Ang isyu niya, nakahubad sa init.
"I'm just mixing cement."
Salin ng English news outlet.

Kinausap rin muna kaya
ang mga pinatay sa giyera sa droga?
O pinaaming diretsahan,
binalitang nanlaban,
“Wag Tularan”
binansagang adik
kahit walang katibayan?

At oo nga pala.
Ano kayang naganap sa Senado
nang bisitahin niya
ang gusaling-bato,
kung saan rin nagtago
ang isang Bato?

Bago gumulong at pumuga,
KINAUSAP RIN MUNA KAYA?

Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom

Address

Holy Spirit
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arjanmar H. Rebeta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Arjanmar H. Rebeta:

Share