24/08/2026
PAANYAYA | The CHOSEN: A Leadership Formation Seminar ✨
Sino ang tinatawag ng Diyos upang mamuno? At ano ang hinahanap Niya sa puso ng isang tunay na lingkod?
Sa mundong maraming naghahangad mamuno, inaanyayahan tayo ng Diyos sa isang mas malalim na uri ng pamumuno—ang pamumunong may pusong handang maglingkod.
“I will appoint for you shepherds after my own heart, who will shepherd you wisely and prudently.”
Jeremiah 3:15
Makiisa sa The CHOSEN: A Leadership Formation Seminar kasama si Ms. Kara Patria C. David-Cancio, lector ng Sacred Heart of Jesus Parish-Shrine at mamamahayag ng GMA News, para sa isang gabi ng pagninilay at paghubog tungkol sa pamumunong ayon sa puso ng Diyos.
📅 August 31, Monday
🕢 7:30 PM
📍 Saints Perpetua and Felicity Parish
Holiday naman, kaya samantalahin natin ang pagkakataong maglaan ng ilang oras para sa sama-samang paghubog at pagninilay. Marahil ay kabilang tayo sa mga tinatawag at hinuhubog ng Diyos upang maging mga lingkod at pinuno ng Kanyang sambayanan.
Come. Be formed. Be inspired. Be one of The CHOSEN. 💙🙏