02/01/2026
🌟 𝐕𝐢𝐯𝐚, 𝐕𝐢𝐯𝐚! 𝟐𝟎 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐰𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝! 🌟
Ngayong ipinagdiriwang natin ang ating 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟎 𝐚𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨, sama-sama nating pasalamatan ang Diyos sa dalawampung taon ng masiglang pag-awit, tapat na paglilingkod, at patuloy na pag-aalay ng musika para sa Sto. Niño at sa ating komunidad. 🎶✨
Dalawampung taon ng biyaya, pagkakaisa, at pananampalataya—salamat sa walang sawang suporta, inspirasyon, at dedikasyon ng bawat miyembro, noon at ngayon.
Magpapatuloy tayong umawit, maglingkod, at magbigay-puri, iniaalay ang ating mga tinig at talento sa Diyos at sa kapwa.
𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢𝐧̃𝐨!
𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢𝐧̃𝐨 𝐂𝐡𝐨𝐢𝐫!