03/09/2026
Ginanap noong ika-29 ng Agosto, sa Filhai Clubhouse ang Formation Seminar para sa lahat ng kasapi ng POLP Worship Ministry.
Sa pamamagitan ng pagninilay sa paksang "The Liturgy," muling pinalalim ng ating mga lingkod ang kanilang pag-unawa sa mga Liturgical Rites, Liturgical Books, at ang kahalagahan ng mga Liturgical Seasons at Colors. Ang gawaing ito ay nagsilbi ring opisyal na Renewal Seminar para sa ating mga kasapi ng EMHC at LECCOM.