19/01/2026
PAALAM, AT MARAMING SALAMAT.
Sa lahat ng naloko ko na babalik pako, Sorry 😂 Joke lan po. Sinilip ko lang kung na alala nyopa ba si Classico' at masasabi ko na sobrang solid nyo. Sobrang daming chats at engagement para lang ibalik si Classico.
Sa lahat ng sumuporta, naniwala, nagmahal, at naging bahagi ng aming kwento—maraming salamat mula sa puso.
Si Classico' ay hindi lang isang server para sa akin, kundi isang yugto ng buhay, isang tahanan, at isang pangarap na pinagsikapan sa loob ng maraming taon. Dito nabuo ang mga alaala, pagkakaibigan, tagumpay, at maging mga pagkakamali na humubog sa kung sino kayo' at ako ngayon.
Lahat ng bagay ay may hangganan. At kahit gustuhin ko mang bumalik, dumating na ang panahon na kailangan kong tanggapin na may mga bagay na hindi na talaga maibabalik. Matagal na akong nag-retire sa likod ng mga anino, at ngayon, pinipili ko nang tuluyang isara ang kabanatang ito—nang may respeto, pasasalamat, at kapayapaan sa puso.
Ibinibigay ko na ang baton sa susunod na henerasyon ng RAN Online community owners. Sa inyo na ang laban, ang responsibilidad, at ang pagkakataong gumawa ng mas maganda pang kwento. Alagaan ninyo ang komunidad. Irespeto ninyo ang mga manlalaro. Higit sa lahat, huwag ninyong kalimutan kung bakit kayo nagsimula.
Hindi puro pera ang sukatan ng pag tatayo ng server, hindi puro kabig, dapat din mag balik sa community. At hindi porket hindi na kumukita ay iiwanan muna at kakalimutan ang mga taong nag titiwala sa inyo.
Hindi ito paalam dahil sa galit o pagsuko, kundi paalam dahil tapos na ang misyon ko. Mananatili ang alaala, ang kontribusyon, at ang pagmamahal ko sa komunidad na minsang naging malaking bahagi ng buhay ko.
Salamat sa tiwala.
Salamat sa suporta.
Salamat sa mga taon.
Ito ang huling pahina ng kwento ko sa RAN Online.
At dito, payapa kong sinasara ang libro.
The final bow! 👋🤧
— Papsi ng Bayan
ClassicoRan Online Owner