11/07/2025
Krayola
Ako’y isang krayolang naputol sa kahon ng mundo.
Itinaboy at nilayo, tinuring na magulo.
Sa lipunang may hulma at iisang tama,
ang kulay na naiiba’y agad na masama.
Naputol man kami, hindi dahil kami’y mahina.
Kundi ang anyo namin ay di nila sanay makita.
May takdang disenyo ang kahon ng lipunan,
tatlong kulay lamang ang wasto. Puti, itim at ang abo. ang iba’y lihis raw dito.
Kami ay isang krayolang
putol ang dulo’t hugis.
May lamas sa katawan at kaya namang maibigkis.
Ngunit tama ba na ang buo lang ang may saysay?
Ang may bitak, putol, ibang kulay ay agad itataboy sa buhay?
Ngunit krayola pa rin kahit putol ang katawan,
may kulay pa rin,
At kayang mapakinabangan.
Hindi man kasing tino ng inaasahan nila,
ngunit ang guhit namin ay totoo, malinaw, at may diwa.
Sa bawat papel na ayaw kaming tanggapin,
Hiiling namin ang mundong handang umunawa’t dinggin.
Mundong makulay, may dangal at tinig.
Kung saan ang bawat kulay ay may puwang at ibig.
Kami ang kasariang hindi ikinakahon,
Sapagkat hindi lamang tatlo ang kulay ng panahon.
Ang kasarian ay krayolang sa bahaghari ay nagbibigay buhay,
hindi guhit na pilit ipinapantay.
Hindi kami hihingi ng bagong kahon,
Kung saan kami “nababagay”.
Dahil sa mundong ito, dapat lahat ay pantay-pantay.
Sapagkat ang mundo’y maputla kung iisa lang ang kulay,
walang lalim at walang saysay ang buhay.
At kung naputol man kami sa kamay ng lipunan,
Hindi doon nagtatapos ang aming katauhan.
Dahil kung mundo’y walang pagkakapantay pantay,
Siyang buhay na tila kapos ng malay.
R,1978