17/05/2025
(BALITANG PULIS – May 16, 2025 – #258 Friday Edition)
(“Pulis @ Your Serbis” – every Saturday, 8:00 – 9:00 PM, over DWIZ 882 Khz. Live via streaming, just type in your respective Facebook accounts DWIZ 882 KHz) or watch us over Aliw TV - Channel 23. Enjoy watching folks.)
NO TO FAKE NEWS.
FROM THE POST OF THE:
Philippine National Police Page
CPNP MARBIL, INIUTOS ANG AGARANG IMBESTIGASYON SA VIRAL NA INSIDENTE NG PULIS SA MAYNILA
Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin ang disiplina at propesyonalismo sa lahat ng ahensya ng gobyerno, agad na kumilos ang Philippine National Police kaugnay sa isang insidente sa kalsada na kinasasangkutan ng isang unipormadong pulis na naganap sa F. Manalo Street, Barangay 897, Punta, Sta. Ana, Maynila noong May 12, 2025 bandang 2:30 ng hapon.
Agad na inatasan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na magsagawa ng validation at imbestigasyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa hanay ng kapulisan.
“Seryoso natin itong tinutukan. Totoong may mga panganib na hinaharap ang ating mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin, pero hindi ito rason para gumawa ng bagay na makakasira sa tiwala ng taumbayan,” pahayag ni PGen Marbil. “Umpisa pa lang, may aksyon na tayong ginawa laban sa sangkot na pulis, at titiyakin nating magiging bukas at patas ang proseso,” dagdag pa niya.
Batay sa paunang impormasyon, ang nasabing pulis ay nakatalaga sa isang polling center sa Maynila bilang bahagi ng covert security operations para sa halalan. Sa kasagsagan ng trapiko, nagkaroon ito ng mainitang pagtatalo sa isang civilian rider na nauwi sa paglabas ng kanyang baril. Agad namang rumesponde ang mga nakatalagang pulis sa Police Assistance Desk ng nasabing polling center. Dinala ang parehong panig sa barangay para sa pag-areglo.
Pansamantalang inilipat ang pulis sa District Personnel Holding and Accounting Section (DPHAS) ng Manila Police District. Isinuko na rin ang kanyang mga issued na baril habang hinihintay ang resulta ng administrative proceedings. Sinampahan na siya ng kasong Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Pinaalalahanan ni CPNP Marbil ang lahat ng motorista na maging mahinahon, disiplinado, at magpakita ng respeto sa kalsada, lalo na kapag may tensyon sa trapiko. Ganun din, inatasan niya ang lahat ng pulis na gampanan ang kanilang tungkulin nang may mataas na antas ng propesyonalismo at manatiling kalmado at mahinahon sa kahit anong uri ng sitwasyon.
“Karapatan ng bawat Pilipino ang magkaroon ng isang pulisya na propesyonal, disiplinado, at tunay na tagapagtanggol ng kanilang karapatan sa lahat ng oras,” ani PGen Marbil.
Hinikayat din ng PNP ang publiko na patuloy na ireport ang anumang uri ng iregularidad at tiniyak na bawat reklamo ay agarang aaksyunan bilang bahagi ng serbisyong pampubliko na may pananagutan.
(DISCLAIMER: No copyright intentions, for support, educational purposes only. I do not own any soundtrack, script, dialogue, property, or rights for the photo, audio, or video goes to the OWNER. If any content owners would like their photo, audio, video, or any other images removed, or if you found any typographical error, mistake for correcting the name of persons, places, or things, please message me and I will do so. No Copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this photo, video, other images, and copyright parties. (ADMIN/CREATOR)