19/04/2026
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng pananaksak sa dalawang ginang sa San Carlos City.
Natuklasan ang insidente pasado alas dos ng madaling araw sa Brgy. Balaya sa nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP, nakita ng kanilang kaanak ang dalawang biktima na nakahandusay sa magkaibang lugar na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isinugod pa sa pagamutan ang isa sa mga ito, subalit idineklarang dead on arrival, habang ang isa ay wala nang buhay nang makita sa nasabing lugar.
Sa ngayon ay inaalam pa ng PNP ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng insidente, maging ang motibo sa pananaksak.