02/05/2026
Halos isang buwan na nung natapos ang pagtanghal ng 11-Television ng Saving Grace, ngunit tila parang kahapon lamang nang nag-aagaw ang ating kaba at pananabik sa bawat sulok ng teatro at likod ng telon. Ang lahat ng mga pinagdaanan ng bawat isa sa atin ay tunay na mabigatโmga gabing kulang sa tulog, hapong mga katawan, at mga sandaling pinilit nating labanan ang sarili nating mga limitasyon. Sapagkat nga na nagkaroon man ng mga tunggalian at hindi pagkakaunawaan sa isa't isa habang ginagawa ang mga tungkulin, hindi natin hinayaan na ito ang maging harang upang maitanghal ang tunay na mensahe ng Saving Grace. Sa halip na sumuko, ginawa natin itong dahilan upang mas lalong magpakatatag, matutong umunawa, at magbuklod bilang mga tunay na artista na pinag-isa ng dedikasyon para sa entablado.
Sa pagbabaliktanaw sa mga larawan at matatamis na ngiti sa likod ng entablado, may umuusbong na matinding pangungulila sa magulo ngunit masayang ingay ng teatro. Ang obrang inialay ay hindi lamang nabuo dahil sa husay ng mga gumanap sa ilalim ng mga spotlight; naging mas makulay ang sining dahil sa bawat patak ng pawis at tahimik na sakripisyo ng buong produksyonโmula sa mga nagbuo ng mga set, naglapat ng mga tunog, hanggang sa mga nag-asikaso ng mga maliliit na detalye na madalas ay nakakubli sa dilim ng backstage. Ang mga manggagawa sa likod ng telon ang tunay na kaluluwa ng dula. Mananatili ang mga alaala habambuhay, hindi lamang bilang patunay ng isang napakatinding pagsubok na napagtagumpayan, kundi bilang isang makabuluhang marka ng matapat na pagsisikap na inukit sa kasaysayan ng sining. Mahal ko kayong lahat, Television.
.