12/05/2023
Maligayang Araw Ng Mga Ina
(Author:_ Tula Ni Inday joi _)
Maligayang Araw ng mga Ina,
Nanay, Mama, Mommy, Mamita,
Momshie, Nana, kung ano man
Ang tawag natin sa kanila;
Ito'y walang katumbas na salita,
Sapagkat sila ay tunay na dakila
Ng makapangyarihang lumikha.
Bilang may Akda, ako'y isang Anak
Na di perpektong ginawa,
Ngunit sa isip at salita,
Tunay na ako ay lubos na nakakaunawa:
Noong ako'y dipa nagAasawa,
Nakikita ko sa aking mga mata,
Hindi perpekto ang pagsasama,
Sa nasaksihan ko sa aking Ama't Ina.
Laging nkatitig sa mga mata,
At ang tanong ko'y, "Ina, bakit ginawa
Ito sayo ni Ama?",..Ngunit,
Walang namutawing salita,
At ako'y lubos na nakakaunawa,
Sa mga titig niya'y nananahimik
At nagpapakumbaba...
Sabi ko nalang.... "Magpakatatag ka Ina,
Maaring si Ama, ay hindi sa atin nkatadhana,
At masaya siya sa kanyang ginawang
Pangangaliwa".......
Ngunit mga iyak ni Ina'y tahimik,
Mga luhang naguunahan sa mga
Mata niyang mapilantik;
Mga balikat niya'y yumuyugyog,
Sumasabay sa saliw ng tugtog;
Namutawi sa mga bibig niya'y...
"Wag kang magAlala Anak,
Sapagkat ako'y nagagalak,
Ako'y isang Inang matatag,
Dahil nandiyan ka,
Ngbibigay ng lakas at pagasa"...
Mga yakap ko'y mahigpit,
Ipinarating sa Ina'y, sa Diyos
Ay manalig at kumapit,
Nandito lang akong Anak,
Nagmamahal ng Tunay at Tapat....
Lumaki kaming salat sa pagmamahal,
Yakap at unawa,
Ng isang perpektong pamilya,
Na may matatawag na mama at papa:
Nong ako na ang nagkapamilya,
Sumumpa ako na khit ano pa man
Ang kahihinatnan,
Aking pagmamahal ay taos puso
Kung ipaparamdam,
Mapuno at buo lang ang Tahanan...
Ngayon ko lubos na nauunawaan,
Na ang isang pagiging Magulang,
Ay hindi sapat ang pagmamahal lang,
PangUnawa at disiplina at may
Kaakibat na reponsibiledad na tinatawag:
Ikw, Ako, Kayo bilang isang Ina ng Tahanan,
Lage nating isa alang-alang,
Ano mang problemang daratnan,
Mawala man ang haligi ng Tahanan,
Pundi ng ilaw 'wag hahayaan,
Sapagkat yan ang nagbibigay ng
Liwanag sa Buong Tahanan....
( NO COPYRIGHT INFRINGEMENT)
(AUTHOR :Tula Ni Inday joi)