06/03/2024
nang dahil sa'yo,
naramdaman kong muli ang tunay na saysay ng pag-ibig at umibig—
ang kumilala at kilalanin;
humanga at hangaan pabalik;
kumabisado at kabisaduhin;
alagaan nang walang hinihinging kapalit.
ang umibig at ibigin nang mas higit pa sa hinihiling ko sa mga bituin.
at kung pagbibigyan nawa ng mga tala,
hindi ko na sana maramdaman ang kahulugan ng
paglisan at paalam;
hinagpis at lumbay;
panibugho't pangamba;
maging ang kirot at patuloy na pagsisi sa tadhana—
mula sa iyong makulay na katauhan.
ikaw na sana ang huli.
umayon nawa ang sansinukob.
sana.
sansinukob// marso 6, 2024
sa kuwarto.