08/09/2026
tangina nyo
EDITORIAL: 10 KILONG MANGGA vs. ₱7.4 BILLION.
Isang ordinaryong Pilipino, 10 kilo ng mangga ang umano’y ninakaw. Nauwi agad sa pagkakaaresto at pagkakadetine ang kaso.
Ngayon, isang dating House Speaker ang nahaharap sa ₱7.4-bilyong plunder case at naihatid na rin ang warrant of arrest pero kasalukuyan siyang nananatili sa ospital habang hinihintay ang medical clearance bago mailipat sa PNP custody.
Dito pumapasok ang kirot.
Para sa ordinaryong Pilipino:
10 kilo ng mangga arestado.
Para sa kasong bilyun-bilyong piso:
hospital arrest muna.
Hindi natin sinasabing dapat ipagkait sa kahit sino ang karapatang makatanggap ng medical care. Karapatan iyon ng bawat akusado.
Pero dapat ding itanong:
Pareho ba ang bilis ng hustisya para sa mahirap at makapangyarihan?
Pareho ba ang proteksyon ng batas?
At kapag ordinaryong Pilipino ang nasa kabilang panig may ganito rin bang konsiderasyon?
Usapin ito ng tiwala ng tao sa batas.
Dahil kung ang batas ay para sa lahat, dapat maramdaman ng bawat Pilipino na pareho ang bigat nito mayaman man o mahirap, makapangyarihan man o karaniwang mamamayan.
10 kilong mangga. ₱7.4 bilyon.
Magkaiba ang halaga pero iisa ang tanong:
PANTAY BA ANG HUSTISYA?
Note: Ang mga paratang laban kay Romualdez ay allegations pa lamang at hindi pa hatol ng Korte.