23/10/2025
Pre lahat ng sakripisyo mo ngayon
lahat ng pagod, puyat, at isipin mo.
Masusuklian din yan.
Hindi man ngayon.
Hindi man agad agad.
Pero makukuha mo din.
At pag nakuha mo na, magegets mo na kung bakit mo lahat pinagdaanan lahat ng hirap na yon.
Yung mga araw na walang resulta at halos umayaw ka na.
Yon pala yung mga araw na hinahanda ka.
Kaya kung pagod ka na , ganyan talaga.
Pahinga ka lang.
Pero wag kang hihinto.
Di natin masasabi, malay mo malapit ka na pala.
Kaya keep pushing lang Pre.
-Ybneet