09/05/2026
Maraming salamat po sa butihing Mayor RJ Peralta sa inyong suporta sa mga kabataan ng Pulilan sa larangan ng badminton. Dahil po sa inyong tulong, mas marami pang kabataan ang nabibigyan ng oportunidad na matuto, malinang ang kanilang talento, at magkaroon ng disiplina sa pamamagitan ng sports. Maraming salamat po!
Mainit na pagbati sa matagumpay na pagsasagawa ng Pulilan Badminton Club Summer Tournament and Badminton Training Camp! ๐ธ
Nakakatuwang makita ang dami ng kabataan at badminton enthusiasts na nagkakaisa sa isang aktibidad na nagpapalakas ng disiplina, sportsmanship, at pagkakaibigan. Patunay ito na patuloy na lumalago ang interes ng ating mga kababayan sa sports at healthy lifestyle.
Taos-pusong pasasalamat sa Pulilan Badminton Club sa pangunguna at pag-organisa ng makabuluhang aktibidad na ito para sa ating mga kabataan at sports community.
Maraming salamat din sa Sulit Sports Hub at Pocari Sweat sa suporta upang maging matagumpay ang programa. Pasasalamat din sa Sangguniang Barangay ng Poblacion sa pangunguna ni Kap. Chester, gayundin sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion sa pangunguna ni SK Federation President Paolo Agno, para sa kanilang pakikiisa at suporta.
Nawaโy magpatuloy ang mga programang tulad nito na nagbibigay inspirasyon at pagkakataon sa kabataang Pulileรฑo na mahasa ang kanilang talento sa sports at mapanatili ang aktibong pamumuhay.