Rey Porter

Rey Porter 98.3 Love Radio Palawan DJ
Mon-Fri 5AM/PM-8AM/PM
Retro Sabado 2PM-5PM Radio DJ at 98.3 Love Radio Palawan "Kailangan Pa Bang I-memorize 'Yan?

Basic!"

ON AIR ng 5AM-8AM & 5PM-8PM, Mondays to Fridays at 2PM-5PM, Saturdays

15/05/2026

Sa mga hindi pa nakakapag-parehistro, please visit the nearest voter reg site sa inyong area hanggang May 18.

14/05/2026

Palawan No. 2 sa ‘World's Best Island to Visit in 2026' sa isang digital mag

Balitaan sa umaga kasama si Rey Porter

14/05/2026

Pumangalawa ang Palawan sa listahan ng 'World's Best Island to Visit in 2026' ng isang US-based magazine na U.S. News & World Report.

Binanggit ng magazine ang ayon sa kanila ay exceptionally clear Kayangan Lake in Coron, at Bacuit Bay sa El Nido kung saan maaaring mag-swimming ang mga bibisita.

Dagdag pa raw sa adventure ang Puerto Princesa Subterranean River.

"Those who prefer to vacation at a slower pace can lounge on serene beaches overlooking limestone formations or catch a glimpse of marine life on a snorkeling tour," ayon sa magazine.

Samantala, nanguna naman sa listahan ang Seychelles sa eastern coast ng Africa.

14/05/2026

Patay ang isang public school teacher sa Culion nang aksidenteng tumaod ang kayak na sinasakyan kahapon ng umaga.

Kabilang sa nasawi ang dalawang menor de edad.

Nakuha na ang kanilang mga bangkay matapos na magsagawa ng retrieval operation ng MDRRM Culion.

Hindi pa malinaw kung bakit nasa lugar ang mga biktima.

Wala pang pahayag ang Philippine Coast Guard hinggil sa insidente.

13/05/2026

Star-studded ang selebrasyon ng Baragatan sa Palawan Festival ngayong taon dahil kabilang sa lineup ng mga sikat na celebrity ang tinaguriang Reyna ng Philippine FM Radio na si Nicole Hyala.

Opisyal nang inanunsyo ng Baragatan sa Palawan Festival na si Nicole Hyala ang magiging guest celebrity host sa grand opening ng festival sa Hunyo 12. Aabangan din sa naturang pagbubukas ang isang libreng concert tampok ang SexBomb Girls.

Inaasahang magiging jam-packed ang Capitol Concert Grounds dahil magpapakitang-gilas ang 19 na munisipyo ng Palawan na kalahok sa Paantigoan sa Dalan (Pahusayan sa Kalsada).

Si Nicole Hyala ay kilala sa kanyang wit at relatable na mga ad lib sa kanyang tambalan sa radyo kasama si Chris Tsuper, na minahal at kinaadikan noon ng mga tinaguriang “Tambalanista.”

Bukod sa pagiging DJ, siya rin ay station manager ng Love Radio Manila at Love Radio Palawan. Isa rin siyang podcaster, seasoned celebrity endorser, at isang Gallup-Certified Strengths Coach.

Samantala, kabilang din sa mga dapat abangan sa festival sina Arthur Nery, Flow G, South Border, Side A, at iba pa.

Para sa iba pang updates, bisitahin ang opisyal na page ng Baragatan sa Palawan Festival sa link na ito: https://bit.ly/3PAoQJH

13/05/2026

• Nicole Hyala mambubulahaw sa Baragatan sa Palawan Festival, host sa grand opening

Balitaan sa umaga kasama si Rey Porter

13/05/2026

Patong-patong na traffic violation ang kinahaharap ng isang motorycle rider nang magtangka itong tumakas sa Puerto Princesa Anti-Crime Task Force pasado alas-3 ng madaling araw noong Martes, Mayo 12.

Careless driving, reckless driving, muffler violation, drunk driving, at driving without license ang violation na ipinataw sa 22 anyos na rider, residente ng Bagalay, Barangay San Pedro.

Ayon sa Anti-Crime, nagsasagawa umano sila ng traffic operations nang dumaan ang rider na maingay ang muffler at wala ring suot na helmet.

Sinubukang sundan ng Anti-Crime pero sa halip na huminto ay tuloy lang ito pagpapatakbo saka tuluyang bumangga sa center island sa Junction 1.

Nang bumangga, kumaripas ito ng takbo hanggang sa makarating sa Baltan Street kung saan ito nakorner.

Tumawag naman agad ng medics mula sa Health Emergency Response Operations saka ginamot ang mga tinamong sugat nito.

Napag-alamang nakaimon din ang rider matapos na magpositibo ito sa alcohol test.

13/05/2026
13/05/2026

Articles of impeachment natanggap na ng Senado ngayong gabi

13/05/2026

Breaking: Gunshots resounded inside the Senate building

Address

4/F Ascendo Suites, Malvar Street , Mandaragat
Puerto Princesa
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rey Porter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Rey Porter:

Share

Category