02/03/2021
/ / Amo sa Trabaho
Wala naman talagang madaling trabaho
Hindi yan nasusukat sa pagiging matalino
Nasa pagsisikap lang yan ng isang tao
Doon mo makikita ang kanyang ugali kung talagang siya ba ay edukado
Mag-uumpisa ka sa ibaba, wala namang sa taas ay dumidiretso
Kakailanganin mo ng tulong at suporta mula sa iyong amo
Upang sa iyong trabaho, ikaw ay maging epektibo
Swerte na lang siguro kung may makilala kang kaibigang totoo
Ngunit may mga amo na sadyang tamad at lahat ay ipapagawa sayo
Habang ikaw nagpapaka-busy, siya’y pabukas bukas lang ng facebook at bahala ka na sa buhay mo
Ngunit wala namang magagawa, hindi na lang magrereklamo
Basta’t ginagawa mo ang iyong tungkulin at ang mga inutos sayo
Ngunit kahit anong paghihirap, at kahit gawin mo lahat ng makakaya mo
Wala kang among titingalain, dahil talagang hindi siya mabuting tao
Tama ba na pahiyain mo ako sa harap ng maraming tao?
Tama ba na sigawan mo ako kahit ang lapit lapit ko lang sayo?
Sinunod ko ang utos mo, maghapon yun lang ang ginawa ko
Isang balik, dalawang balik, dahil yun sa pabago bago na mga kagustuhan mo
Di ako nagrereklamo, ikaw ang amo, ikaw ang masusunod dito
Ngunit nasaktan mo ako, sana sa susunod ay alamin mo salitang respeto
Sinigaw sigawan mo ako sa harap ng ibang tao
Sinabihan mo ako ng masakit na salita, hindi ka pa talaga nakuntento
Tangina, ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko
Gustuhin ko man sumagot, pero hindi ko nagawa dahil napahiya mo na ako
Kaya eto ako ngayon, nag-iisip na ng kung ano ano
Wala ba talaga akong kwenta? Isa lang ba akong pagkabigo?
Ang daming tumatakbo sa isipan, sumasakit na nga ang ulo
Malalim akong mag-isip, kaya dumarating sa punto na wakasan ang buhay ko
Ngunit pasalamat ka, at kailangan ko nang trabaho
May pamilya akong umaasa sa sahod ko
Di ko nga alam kung bakit pa ko nagtitiis sa ugali mo
Mabuti na lang at may mga dahilan pa rin ako para sa buhay ay hindi sumuko