16/06/2025
l SINING, TRADISYON AT KULTURA NG MGA KATUTUBO SA PALAWAN, MULING ITATAMPOK SA GABI ‘Y ANG KOLTORANG PALAWEÑO SA BARAGATAN FESTIVAL 2025
Matutunghayang muli sa selebrasyon ng Baragatan sa Palawan Festival 2025 ang makulay na sining, tradisyon at kultura ng mga katutubong Batak, Tagbanua, Pala'wan, Molbog, Cuyunon, Agutaynen at Cagayanen sa “Gabi ‘Y ang Koltorang Palaweño na gaganapin bukas, Hunyo 17, 2025, sa ganap na ika-6:00 ng gabi sa PGP Convention Center
Ang pagtatanghal ng mga naturang katutubo ay handog ng Office of the Governor- Culture and Arts Program sa pangununa ni Chief of Staff at Baragatan Executive Chairman Ceasar Sammy Magbanua katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Libreng mapapanood ang iba’t ibang sayaw, musika, kaugalian, ritwal at iba pang tradisyon na may kaugnayan sa kultura ng mga katutubo sa Palawan.
Kaalinsabay sa ika-123 anibersaryo ng pagkakatatag ng gobyerno sibil ng Palawan, ang pamanang sining, tradisyon at kultura ng mga katutubo sa lalawigan ay ilan lamang sa mga tampok na aktibidad sa Baragatan Festival ngayong taon upang patuloy itong maisulong at mapanatiling buhay sa lalawigan.