Rufon's Art

Rufon's Art 🎨RufonFamilyPaints🎨
🖌WilfredoL.Rufon
🖌ElisaCertezaRufon
🖌ChressaYeeRufon
🖌WilfredoC.RufonJr

On view at the Upper Gallery starting May 3, Dagat: Hininga at Buhay, the solo exhibition by Wilfredo Rufon, brings fort...
02/05/2026

On view at the Upper Gallery starting May 3, Dagat: Hininga at Buhay, the solo exhibition by Wilfredo Rufon, brings forth the teeming life of the underwater realm—blooming corals and darting fish set against his signature cerulean blue. The works extend the visual language of his eight-panel piece installed at Pintô’s Underwater Gallery, translating immersion into a suite of luminous encounters.

Having lived in Puerto Galera, Rufon draws from direct experience of its marine abundance, carrying its textures and rhythms into his paintings. While grounded in close observation, his compositions are carefully orchestrated to heighten the sense of depth and vividness, as though the sea itself unfolds in a sustained, breathing gaze.

Dagat: Hininga at Buhay runs until May 31.

Thank you to Quatro Arts for sponsoring the art materials of our member, Chressa Rufon, who is also an Artist-in-Residen...
02/03/2026

Thank you to Quatro Arts for sponsoring the art materials of our member, Chressa Rufon, who is also an Artist-in-Residence of Quatro Arts.🖌️🎨

📣Her works were exhibited a few days ago at the Oriental Mindoro Heritage Museum for the show “Mina ng Hinas 2.”

Strong artists thrive in strong communities. Supporting artists means supporting culture and history.🥰

Inviting everyone to the Oriental Mindoro's MINA NG Hinas 2February 25-28, 2026 in celebration of National Arts Month at...
23/02/2026

Inviting everyone to the Oriental Mindoro's MINA NG Hinas 2February 25-28, 2026 in celebration of National Arts Month at Oriental Mondoro Heritage Museum

Theme:“Kasaysayan, Kultura, Kalikasan at Kinabukasan”

Mga thema ng exhibit:

I. KASAYSAYAN

(Kaagapay: Hapag Aruga Foundation)

Mga obrang sumasalamin sa alaala, pinagmulan, at kolektibong karanasan.
Mga eksena ng pamilyang Pilipino (lumang tahanan, hapag-kainan, henerasyon)
Mga alaala ng bayan at komunidad
Tradisyonal na gawain ng mga ninuno
Lumang larawan o eksena na muling binigyang-buhay sa pintura
Mga simbolo ng pamana at alaala (lumang gamit, sulat, retrato)
Kwento ng sakripisyo, pagtitiyaga, at pagbangon

II. KULTURA

(Kaagapay: Mangyan Heritage Center Inc. at Pamanang Kwerdas)

Mga obrang nagbibigay-pugay sa buhay na kultura at identidad.
Mangyan life and traditions
Katutubong kasuotan, disenyo, at pattern
Musika at sining ng bayan (kwerdas, sayaw, ritwal)
Araw-araw na buhay ng katutubo at lokal na komunidad
Simbolismo ng kultura at paniniwala
Pagpapatuloy ng tradisyon sa makabagong panahon

III. KALIKASAN

(Kaagapay: Dao Waterlily Association)

Mga obrang tumatalakay sa ugnayan ng tao at kapaligiran.
Tubig bilang buhay (ilog, lawa, dagat), Water lilies at likas-yaman ng komunidad
Kabuhayang nakaugat sa kalikasanIna at kalikasan (mother earth symbolism)
Pangangalaga at proteksyon sa kapaligiran
Mga tanawin ng Mindoro at iba pang likas na yaman

IV. KINABUKASAN

(Kaagapay: Ruel Foundation, HIA GS students, Punla Center for Theater

MINA NG HINAS 2 Magbubukas ng Pagdiriwang ng Sining, Kultura, at Komunidad sa Mindoro

Magbubukas ang MINA NG HINAS 2 bilang isang apat-na-araw na pagtitipon ng sining at kultura na magtatampok sa kolektibong alaala, identidad, at pag-asa ng mga komunidad sa Mindoro, sa temang “Kasaysayan, Kultura, Kalikasan at Kinabukasan.”

Layunin ng gawain na ipakita ang sining bilang buhay na daluyan ng kuwento—mula sa nakaraan, sa kasalukuyan, hanggang sa hinaharap—sa pamamagitan ng biswal na sining, musika, pelikula, at mga interaktibong aktibidad na bukas para sa komunidad.

Sa Pebrero 25, sisimulan ang programa sa isang makulay na opening ceremony na magtatampok ng on-the-spot painting ng mga lokal na artista. Itatampok din ang dance painting performance ng bagong artist na si Henri Lamy na magpapakita ng malikhaing pagsasanib ng galaw at biswal na sining. Magbibigay naman ng musikal na pagtatanghal ang Pamanang Kwerdas, na maghahandog ng tugtuging nakaugat sa pamana at tradisyon ng bayan.

Sa Pebrero 26, isasagawa ang film viewing ng “Mangyan Ambahan: Wisdom for Our Filipino Soul,” na susundan ng isang panel discussion kasama si Ms. Emily Catapang at dalawang lider-katutubong Mangyan. Tatalakayin sa panel ang Indigenous Peoples’ (IP) Law at ang wastong koordinasyon ng sining at kulturang katutubo, bilang gabay sa mga artistang nagnanais makipag-ugnayan sa mga komunidad nang may paggalang. Isasagawa rin ang mga workshop at demonstrasyon ng Surat Mangyan sa kawayan, pakudos bead-making, at ramit creation bilang pagpapakilala sa tradisyunal na sining at kaalaman ng mga Mangyan.

Ipagpapatuloy sa Pebrero 27 ang programa sa pamamagitan ng Art Therapy for Mental and Environmental Health, na pangungunahan ni Mr. Lloyd P. Cataring. Tatalakayin dito ang ugnayan ng sining, kalusugang pangkaisipan, at kapaligiran. Bahagi rin ng araw ang crafting demonstration ng Dao Waterlily Association, na magpapakita kung paano nagiging kasangkapan ang sining sa kabuhayan at pangangalaga sa kalikasan.

Magtatapos ang MINA NG HINAS 2 sa Pebrero 28 sa isang Family Day na magtatampok ng singing at dancing workshop ng Dezza Dreamer Academy, kasunod ang isang bukas na art jam na inaasahang lalahukan ng mga bata, kabataan, at pamilya—isang simbolo ng pagpapatuloy ng sining at pag-asa sa susunod na henerasyon.

Inaasahang magsisilbing plataporma ang MINA NG HINAS 2 para sa mas malalim na pag-uusap sa pagitan ng sining at komunidad, at magpapatunay na ang sining ay hindi lamang likha, kundi isang kolektibong karanasan na humuhubog sa kasaysayan at kinabukasan ng sambayanan.

Kayo po ay malugod naming iniimbitahan!Tunghayan ang mga obra ng Voyage artists ngayong February 25, 2026 sa Mina ng Hin...
20/02/2026

Kayo po ay malugod naming iniimbitahan!
Tunghayan ang mga obra ng Voyage artists ngayong February 25, 2026 sa Mina ng Hinas Painting Exhibit na gaganapin sa Oriental Mindoro Heritage Museum.
MINA NG HINAS 2026 EXHIBIT
KASAYSAYAN | KULTURA | KALIKASAN | KINABUKASAN
Dalawampu’t limang (25) visual artists mula sa Mindoro ang magpapakita ng kanilang mga likhang sining—bawat obra ay may kwento, bawat artist ay may tinig.
Celebrate the richness of history, the vibrance of culture, the beauty of nature, and the promise of the future—all expressed through powerful works of art that reflect who we are and where we are headed.
Samahan ninyo po kami sa makabuluhang pagdiriwang ng sining ngayong National Arts Month.
Kita-kits po! 🎨

22/01/2026

Sadya na.... last 2 minutes.... artist eh😅🤣
Nice!😍

Join na! 😊Sa lahat ng malapit sa area,PAINT WITH Quatro Arts, Paint with Chressa Rufon! FREE Painting/Artworkshop Learn ...
21/01/2026

Join na! 😊
Sa lahat ng malapit sa area,
PAINT WITH Quatro Arts, Paint with Chressa Rufon!

FREE Painting/Artworkshop
Learn and enjoy painting!

Pay only for your art materials!
✨ No extra fees
✨ Open for beginners
✨ Fun and relaxing art experience

📍2nd Floor of the DRE Building, P. Ocampo Sr. Street, Malate, Manila.
(We're right beside the Design & Arts Campus of De La Salle-College of Saint Benilde.)

PAINT WITH US!

FREE PAINTING GUIDANCE
Learn and enjoy painting with our friendly art guides!

Customers only need to pay for the art materials or art bundle they will use.

✨ No extra fees
✨ Open for beginners
✨ Fun and relaxing art experience

📍2nd Floor of the DRE Building, P. Ocampo Sr. Street, Malate, Manila.
(We're right beside the Design & Arts Campus of De La Salle-College of Saint Benilde.)

DM us to book your painting session ❤️

Address

Puerto Galera

Telephone

+639154644176

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rufon's Art posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Rufon's Art:

Share

Category