30/11/2025
Panandalian
Sa umpisa’y masaya, tawanan sa gabi,
Bawat mensahe mo’y ligayang kay hapdi.
Akala ko noon, may patutunguhan,
’Yun pala’y hangin lang na dadalaw-dalawan.
Unti-unting lumamig ang iyong salita,
Biglang naglaho, di man lang nagpaalam pa.
Naiwan akong tanong ang tanging kasama,
Bakit sa gitna ng saya, ako’y iniwan na?
Panandaliang pag-ibig, saglit na pagdampi,
Kuwento nating nagwakas nang walang pasabi.
Ngunit salamat pa rin sa sandaling pagtingin
Doon ko natutunang huwag basta manalig sa pansamantalang lambing.