03/06/2026
🥩 STEAK LOVER KA BA? Ito ang sulit na sulit na mairerekomenda ko sa Puerto Princesa! ❤️
Sobrang sarap ng steak sa Aniceto's Carinderia! Nakaka-nostalgia pa dahil natikman ko na ito noon sa Tiki Bar, pero masasabi kong mas lalo pa nila itong na-improve ngayon.
Sa halagang nagsisimula lang sa ₱280, makaka-enjoy ka na ng masarap na steak na hindi mabigat sa bulsa. 💯
Ang paborito kong parte? Yung sauce! Talagang puno ng lasa at bagay na bagay sa karne. At yung steak mismo, hindi matigas—sobrang lambot na kahit kutsara kaya itong hiwa-hiwalayin. 🤤
Ang inorder ko ay ang Australian Porterhouse Steak, at sulit na sulit bawat kagat! 🥩❤️
📍 Located at Junction 1, Puerto Princesa City, malapit lang sa Tiki Bar. Anicetos Carinderia
Na-try mo na ba dito? Comment mo naman kung ano ang favorite mong order! 👇🫶