The Solivagant's Shelf

  • Home
  • The Solivagant's Shelf

The Solivagant's Shelf Books for everyone's interest

naninikip ang dibdib, sa sobra-sobrang paghithit, dito sa v**e kong mas mauuna pa yatang maubusan ng hininga kaysa sa'ki...
12/11/2025

naninikip ang dibdib, sa sobra-sobrang paghithit,
dito sa v**e kong mas mauuna pa yatang maubusan ng hininga kaysa sa'kin
ang mapaklang lasa ng ni****ne ay nalalasahan ko na aking mga labi
panandilang takas, panandaliang saya, at pagkahilo, malimutan lang ang mga masasakit na sandali.

dahan-dahan nang sumusuko ang baga ko,
ang puso ko naman ay matagal nang naghihingalo
ngunit pasasaan pa kung sa loob-loob ko'y matagal na akong patay?
humihinga nga, ngunit wala namang buhay

hindi ko na nakikita ang sarili kong sumusulat pa ng mga sumasayaw na titik, kung hindi naman para sa kanya,
hindi ko na rin nakikita ang sarili kong ngingisi pa o tatawa
hindi ko naman maatim na sabihin sa kanya ang mga bagay na ito
marahil ay iisipin n'ya lang muli na nagdradrama ako

isa pa, isang hithit sabay buga, nitong makapal na usok mula sa v**e ko
isa higop pa mula sa kapeng lumamig na kasabay nitong mga palad ko
at kung mababasa mo man ito? nawa'y isaisip mo na masaya kong pinapatay yaring katawan ko
makatakas, maka-alpas, makalaya nang walang pag-aalinlangan, at hiling kong sa alapaap ay tanawin mo ang paglalaro ko.

payapang alapaap. sa bawat araw, bawat minuto, bawat segundo na nalalabi sa'kinsa bawat buntong-hininga, bawat pagbuga n...
02/11/2025

payapang alapaap.

sa bawat araw, bawat minuto, bawat segundo na nalalabi sa'kin
sa bawat buntong-hininga, bawat pagbuga ng makapal at nakamamatay na usok
binibilang ko kung ilang segundo, minuto, araw, o linggo bago muling magdampi ang mga palad natin
muli't muli ay uuwi at uuwi sa kapatagan, walang pag-aatubiling lilisanin ang lambak at kabundukan makasama ka lang.

binibilang ko ang kilometro, milya, at hakbang patungo sa'yo
nanabik na muli kang mayakap, mahagkan, at mapagmasdan ang mga mata mo.
ang hangin sa bundok ay masyadong manipis, tila ba bawat saglit ay kailangan kong pahalagahan
bawat sandaling pumapatak ay kaya ako nitong wakasan.

hinahabol ko ang bawat paghinga sa bawat paghakbang
naninikip ang dibdib, kamay na nanginginig, para bang ako'y nahihibang
sapagkat kahibangan na lumayo ako sa nakagisnan kong tahanan
sa pag-asang sa kabundukan ay makakamit ang hinahagilap na kaginhawaan.

sa piling mo, hindi ko kailangang habulin ang bawat kong paghinga
wala akong pakialam kung sa bawat kong pag-uwi ay masimot ang laman ng aking pitaka
sapagkat ang mahimbing sa piling mo ay ang buhay kong inaasam-asam
ang makapiling ka ay ang buhay mismong nais kong makamtan

sa muling pagtungo ko sa lambak at kabundukan ay hindi ko batid kung makakaya ko pa
makakaya ko bang lumayo sa buhay kong tahanan na at pahinga pa
kakayanin ko pa kayang langhapin ang manipis na hangin?
kakayanin ko pa kayang ang buhay ko'y mawalay sa'kin?

kung magkagayo'y isang ulit pa, yayakapin at hahagkan ka maramdaman man lang na ako'y nabubuhay pa,
hindi man mahagilap sa tuktok ng bundok ang buhay at ligaya, ako'y hihimbing ng mapayapa
at sa aking paghimbing, hiling ko na tingalain mo ang alapaap
payapa mo itong pagmasdan at isaisip na ako'y kaisang naglalaro ng mga ulap.

shattered.have you ever tried to pick up a broken glass then get cut by a sharp piece of it?it hurts right? damn right i...
19/09/2025

shattered.

have you ever tried to pick up a broken glass then get cut by a sharp piece of it?
it hurts right? damn right it does.

but have you ever thought of the fact that sometimes getting cut by a mere piece of glass doesn't cut that deep.

a mere human just like you and me could be that fragile glass
if you're being poured down with something you have a purpose
just like how we're being poured down with love, attention, as attention seekers like me would love
and yet you're still fragile, one slip and you'll shatter into pieces.

an empty glass however is more fragile than all of us would think
there's nothing inside it, just like a person with no love nor inspiration
more prone to shattering into pieces, no purpose.

however when a glass was pulverized into fine powder,
it won't hurt, and yet there's no more purpose at all.
and yet here we are thinking that it won't hurt at all when in fact it still does,
it can still sting when you've got a splinter of that pulverized glass.

but can we really feel something, when we get cut from a piece of glass?
when in fact it was your heart that aches,
a mere cut won't cut that deep, but once you've shattered into pieces?
your own pieces will cut deep into you.

fragments of memories, happy and sad ones come flashing right before your eyes,
pieces put together before by an artisan with a pleasing face
hints of gold that repaired you before once got pulverized again.

then all of a sudden? you're just a shattered glass
broken, in pieces of what you thought would be your purpose,
but how can you repair yourself with glints of gold?
when your most important pieces are missing?

those tiny particles, those tiny fragments, those are still a part of you isn't it?
are you supposed to replace it with gold?
there ain't kintsugi in life,
there's no one to paint yourself with gold and fix you when you shatter into pieces

or maybe, just maybe you can fire up yourself, pick you broken pieces up and turn yourself into another majestic piece of glass.

toxic fumeshere I am wondering, how lethal things could ease our pain,perhaps we've found pleasure in anything that coul...
01/09/2025

toxic fumes

here I am wondering, how lethal things could ease our pain,
perhaps we've found pleasure in anything that could possibly cause our death
perhaps it was the pain that keeps us going everyday and not hope?

funny how we can soothe the pain with greater pain isn't it?
funny how we kill ourselves through our vices, and yet it was our mind that kills us all along,
flooding our minds with unnecessary thoughts, unsolicited doubts, long forgotten memories.

it's fun whenever I look at this cloud of smoke that I puffed from my v**e, from ci******es sometimes
it's slowly killing my lungs, and yet with it I can breathe
breathe out and heave a sigh, thinking of how I'd kill myself through smoking, yet it was the pain caused by the heart, that kills me every single day.

toxic fumes, unsolicited doubts partnered with a flood of tears sometimes
alcohol makes me numb, smoke makes me feel alive
funny isn't it? that it was these toxic fumes that kept us going every single time we're just fed up by what's happening around us.

who knows that by puffing a cloud of smoke could ease the lump in your throat?
funny how we can find a simple joy through suffering that we chose ourselves.
ain't it funny that it was the embodiment of whatever doesn't kills us makes us stronger
an escape from the world that barely favors us.

maybe, just maybe, these toxics fumes knows how to ease up what's been killing us all along, while also killing us slowly.

Usok, Kape, at TayoIsang hithit sabay buga ng usok mula sa v**e mo na hinigit ko sa'yo kaninaSa harap ng pasikat na araw...
12/02/2025

Usok, Kape, at Tayo

Isang hithit sabay buga ng usok mula sa v**e mo na hinigit ko sa'yo kanina
Sa harap ng pasikat na araw ay muli tayong magkasama
Hawak ang tasa ng kape na pinagsasaluhan nating dalawa
Sa harap ng pasikat na araw tayo'y mata sa mata.

Matapos ang mahabang gabi na tayo'y magkasama, heto at naghahanda na naman tayo
Kailangan mo na kasing umuwi sa inyo
Nakasanayan ko na ang umagang napupuno palagi ng ating tawanan,
At pagkatapos nito ay ang kahilingang dumito ka na lang at h'wag nang lumisan.

Madalas ang pagtawag mo sa pangalan ko mula sa kanto tuwing ihahatid kita,
Titigil sa paglalakad, lilingon at ngingiti ng pagkasaya-saya
Mga sandaling napapaisip ako kung tutuloy pa ba ako o hindi na?
Dahil umuuwi ka lang naman sa'kin kapag may naging pagtatalo kayong dalawa.

Hingahan, sabihan ng problema, kasamang mabasa sa ulan.
Katabi matulog sa mga nakaw na sandali, kahati sa unan.
Ang kumot natin ay ang yakap na walang kahulugan, sapagkat sa paghimbing lang naman kita matatabihan.
Isa pa, isang hithit sabay buga nitong usok, isa pang buntong hininga, para lang madama ang paggaan nitong nararamdaman sa tuwing ika'y lilisan.

1.09.25DaisyAkala ko sa sarili ko'y limot ko na,Ang 'yong pagngiti, ang iyong amoy, at ang iyong pagtawa.Akala ko'y nali...
09/01/2025

1.09.25

Daisy

Akala ko sa sarili ko'y limot ko na,
Ang 'yong pagngiti, ang iyong amoy, at ang iyong pagtawa.
Akala ko'y nalimot ko na, ang mga sandaling ginugugol mapagmasdan ka lang
Iyong mga sandaling wala akong pakialam kahit na mukha na akong timang.
Akala ko talaga'y nalimot ko na
Marahil ay nadala lang ako ng paglilibang, ngunit ang lahat ng iyon ay akala ko lang pala.

Tila ba inayawan ko na ang paborito kong bukang liwayway sa tuwing ito'y darating
Ang buwan ay nagsasawa na yata sa aking mga hiling
Hiling na kahit isang gabi ay muli kang makapiling
Ang mga hiling na ngayon ay s'ya kong idinadaing.

Nagbago na nga yata talaga ang paraan kung paano ko mamalas ang mga bagay-bagay
Sa gabi'y naririndi na yata sa aking paghagulgol sina Mayari at Tala
Pagdating ng umaga, ang sinag ng araw ni Hanan ay hindi na ako nabibigyang buhay
Wala na rin ang tamis ng mga salita sa bawat masusulat na tula.

Iwinawaksi ko ang dilaw na dati'y paborito kong pagmasdan
Ang mga bagay na nagpapaalala sa'yo ay hindi ko pa yata kayang kalimutan
Hindi na tulad ng dati ang gabi, hindi na rin kaaya-aya ang mag-umagahan
At hindi pa rin namamatay ang paborito mong daisy kahit na hindi na nadidiligan.

12.31.24huling araw na ng taon, huling pagkakataon.at siguro'y hindi na bago sa'yo ang mga wiwikain ko ngayon.hindi ang ...
31/12/2024

12.31.24

huling araw na ng taon, huling pagkakataon.
at siguro'y hindi na bago sa'yo ang mga wiwikain ko ngayon.

hindi ang mga bilog na prutas, hindi ubas, hindi mansanas.
walang bahid ng kahit na anong malas.
sapagkat sa mundong ito, ako na yata ang pinakaswerteng tao,
wala naman akong kotse, wala ring condo, o magaling relo
pinahahalagahan ko lang ang oras, ang tahanan, at mga lugar na napupuntahan ko.

hindi polka dots o maswerteng kulay ang bubuo sa'kin sa darating na taon
marahil ako'y nasa gitnang luzon at ang pampaswerte ko ay nasa kanilang tahanan
ito'y para sa mga susunod na taon, dekad, at darating na panahon
ang sarili kong paraan ng pagsasabing sana'y sa susunod na bagong taon tayo'y magkasama naman.

wala naman akong hiling na magarbo
wala ring ingay paingay mula sa tambutso
marahil ito yung masasabing pagbati mula sa puso
hindi paputok o lusis ang magniningas kundi ang pusong nabuo.

12.24.24Relapse on Christmas Eve mahal pa rin kita, lumipas na ang mga araw, linggo, buwan, hanggang sa lumipas na ang t...
24/12/2024

12.24.24
Relapse on Christmas Eve

mahal pa rin kita, lumipas na ang mga araw, linggo, buwan, hanggang sa lumipas na ang tatlong taon.

mahal pa rin kita, dumaan na ang araw ng mga patay, ngayon ay pasko, malapit nang magpalit ang taon at heto ako ngayon.

hinihintay ka, ang iyong pagtawag, ang mga larawan, siguro nga'y akin nang nakasanayan.
mahal pa rin kita, kahit na anong gawin, kahit na anong paglimot ay hindi ko pa rin talaga malilimutan.

sinubukan kong ibaling ang tingin, at lumayo patungo sa malamig na siyudad ng Baguio.
ngunit kahit na anong lamig ng Baguio ay patuloy pa rin akong bumabalik sa mainit na palad mo.
ang 'yong mga kamay, na lumalaro sa aking buhok, ang iyong mga ngiti, at maging ang iyong pagtawa.
siguro nga sa Baguio ay panay lamig at ingay lang ang daratnan ko.
dahil kahit na anong lamig ng Baguio ay muli't muli't pa rin akong babalik sa init ng mga palad mo.
kahit na sabihin kong lilisan ako't hindi na babalik pa ay mayroon pa ring alinlangan.
hindi sa Baguio ang uuwian ko, sapagkat nasa iyo ang aking tahanan.
umalis ako at tumungo sa malamig na lugar kung saan wala ka, para kalimutan ang mga alaala kasama ka ngunit para saan? sa Baguio walang galak, walang tuwa.

sinubukan ko namang ibaling ang tingin sa iba, sinubukan ko ang mga dati ay hindi ko magawa.
ngunit sa kada minuto, sa bawat sandali ay may pag-aalinlangan, mayroong kaba.
sinubukan kong hanapin sa iba ang sagot sa pagkarami-raming "bakit", bakit ba hindi mo makita?
bulag-bulagan, bingi-bingihan, pero paulit-ulit kong sasabihin ang mga katagang, "mahal pa rin kita"
siguro nga ang mga bakit ko'y hindi mapupunan
dahil siguro nga ako'y isa lamang hamak na kaibigan.

Address

President Quirino

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Solivagant's Shelf posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to The Solivagant's Shelf:

  • Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment?

Share