ikaw ang bawat paksa

ikaw ang bawat paksa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ikaw ang bawat paksa, Poet, babo pangulo, Porac.

08/12/2025

Kung mag krus muli ang ating landas at mapagbigyan ni bathala,
sana hindi sa pagkakataong hindi na maaari,
nais kong matulad sa isang pelikula,
nais kong matagpuan ka sa dulo ng bahaghari.

28/10/2025

Inilapit ko sila patungo sa lumikha,
ngunit sariling kaluluwa ko ang nawala,
batid kong dasal ang sagot sa mga sapantaha,
ngunit ang aking mga tanong ay 'di sinagot ni Bathala.

25/08/2025

Tulad ng mga salita ng damdamin na isinulat gamit ang pluma,
mananatili ang damdamin ko,
patuloy kitang susulatan at aalayan ng mga tula,
kahit batid kong hindi ako ang makatang inaasahan mong sumulat para sayo.

16/04/2025

Binigo ng puso,
nimalon ng mga sapantaha ang isip,
pinahamak ng pagiging delihiyoso,
sa isang iglap nawala ang lahat ng ito.

16/04/2025

Nilamon ng mga sapantaha
nalumod sa kalungkutan
dina muling naka ahon ang muting bata
patuloy na tumatangis sa kawalan

16/04/2025

Naging dahilan ka ng muling paglaban
kalaunan ay naging pag hikbi
mananatili nalang sa kadiliman
upang dina masilaw sayong mga ngiti

15/04/2025

wow nasulat nya pala to date

10/02/2025

Sa muli kong pagsulat ng tula
diko aakalain ikaw ang magiging paksa,
Kay tagal kong huminto sa pag sulat ngunit ngayon,
Napaligiran nanaman ng bulalak at paru-paro ang aking puso.

Ikaw ang bukang liwayway na nais kong salubungin muling sumikat,
At takip silim na gustong masilayan habang naka dantay sa iyong balikat.

Hindi man ako kasing galing ng ibang makata
susulatan parin kita ng isang tula,
at kung maubos man ang tinta,
handa akong i-alay ang sarili kong dugo, mailahad lamang ang nararamdaman ko sa pamamagitan nitong tula,
Tanda ng pagmamahal kong hindi masabi sa harap mo sinta.

At kung si Fidel ay inalayan ng isang daang tula si Stella para masabi ang nararamdaman nya,
Ito ay ang alay ko sinta,
Isang daan at tatlungpu' tatlo na salita sa loob ng isang tula.

Address

Babo Pangulo
Porac
2008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ikaw ang bawat paksa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category