30/08/2026
PANOORIN: Porac Young Artists' members, Glenn Serrano and Mars Gutierrez tampok sa "Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo"
Lubos na binabati at pinagmamalaki ng Munisipalidad ng Porac ang dalawa sa ating mga miembro sa Porac Young Artists na sina Glenn Serrano mula sa Barangay Camias at Mars Gutierrez mula sa Barangay Sapang Uwak!
Naitampok ang ating mga kabataang Ayta sa Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo, kung saan naipamalas nila ang kanilang natatanging talento sa sining at pagmamalaki sa ating kultura sa buong bansa.
Laking pasasalamat natin sa "Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo" na nagbigay ng oportunidad sa mga kabataang ayta na maipakita ang kanilang malikhaing talento na nagbibigay ng karangalan sa buong munisipalidad ng Porac.
Isang taos-pusong pasasalamat sa Pamilya at mga Punong Barangay; Kap Roland Popatco ng Barangay Camias, Kap Solis Palo ng Barangay Sapang Uwak, sa kanilang walang sawang suporta! Gayon din kay Sir Herminigildo Pineda para sa kanyang paggabay at sa paghubog sa ating mga batang talento na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating mga lokal artists upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Patuloy na susuportahan ng Pamahalaang Lokal ng Porac ang ating mga kabataan upang lalong pagyamanin ang ating kultura.
CTTO: 📺 Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo