24/01/2022
Hi sa inyong lahat! Available na nga pala sa shop ko ngayon yung dalawang new products na nirelease ko which is yung matte watercolor (primary colors only) and yung handmade binder na may kasama ng dropper. Nasa picture na po yung link nila💖
Sobrang tagal kong pinag experimentuhan yung matte watercolors and inabot ako ng ilang buwan para lang magawa ng maayos yung quality at mailabas sa public. Sa ngayon hindi ko masasabi na sobrang ganda talaga ng quality ng matte watercolors ko, hahayaan ko na lang sila na patunayan sa inyo yung quality nila😅 and sure naman ako na ok silang lahat bago irelease kasi need muna nilang pumasa sa quality ko bago pumasa sa inyo😆
As for the handmade binder naman, so pwede nyo syang gamitin sa mga inks and watercolors nyo, pwede sya especially dun sa mga chalky na watercolor like simballion para maenhance yung quality at opacity ng colors. Yung pinaka main reason ko talaga dito is para ito sa mga bumili na ng watercolors ko so pwede nyo itong magamit as a maintenance ng watercolors nyo para mas mapanatili yung magandang quality ng watercolors. Hindi naman sya must have kasi pwede nyo naman magamit ng matagal yung watercolor ko kahit wala itong binder na to, napansin ko lang din kasi na habang tumatagal may tendency na maglessen yung ganda ng quality ng isang handmade watercolors kasi sa kakalagay mo ng tubig jan everytime na gagamitin mo is hindi na nagiging balance yung ratio ng binder sa pigment so may tendency talaga na malessen yung quality ng isang watercolor kaya much better na mag add ka pa din ng kahit 2-3 drops ng binder sa watercolor mo every time after mo gamitin at itabi.💖
Update: Next month pa po restock ng regular metallic watercolors.
P.s. pasensya na kayo kung sobrang tahimik na ng page na ito at baka diko na din maasikaso ng mabuti kasi busy na din po sa acads talaga kasi graduating na po ako😅 (*hopefully makagraduate na🤞)