31/03/2026
Isang napakalaking karangalan ang muling iniuwi ng Bicol High School for the Arts and Culture matapos nilang magningning sa katatapos lamang na Regional Tanog Banda 2026!
Sa kumpetisyong nilahukan ng ibaβt ibang paaralan sa rehiyon, buong husay at galing na ipinamalas ng BHSAC ang nagdala sa kanila sa tagumpayβkung saan sila ay kinoronahang CHAMPION sa parehong Majorette Competition at Symphonic Band Competition! ππ
Ang kanilang dedikasyon, disiplina, at walang sawang pagsasanay ay tunay na nagbunga ng tagumpay na nagbibigay inspirasyon at karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan kundi sa buong komunidad ng Pili.
Buong suporta at pagbati mula sa Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Mayor Marivic B. Solano na patuloy na sumusuporta sa talento at kakayahan ng kabataang Pilipino.
Mabuhay kayo, BHSAC! Patuloy ninyong itaas ang bandera ng Pili at ipagmalaki ang inyong husay sa sining at musika!