24/11/2024
Sa Ngalan Ng Pag-Ibig
isinulat ni: Zaijan DM. Gonzales
Sa isang magandang gabi ng artistrya, nagpakitang-gilas sina Krystal Legaspi, Christine Madrona, at Mark Joshua Baal sa kanilang dance drama. Ang kanilang pagsasayaw sa saliw ng musika at pag-arte ay nagpamalas ng kanilang natatanging abilidad at kakayahan bilang mga artista. Ang pagtatanghal ay isang patunay ng kahusayan at talento ng mga mag-aaral ng Tagbong National High School.
Ang tagumpay ng pagtatanghal ay hindi posible kung hindi dahil sa pagtatrabaho ng mga sumusunod:
Mga Nagbigay ng Suporta
- Bb. Lorenel Saba, Teacher in Charge ng paaralan
- G. Jan Carlo Olivares, Modereytor ng Teatro
- Bb. Ma. Criselda Lotivo at Bb. Angel Faith Diaz, mga tagapagsanay
Kanilang pinamalas ang kanilang pagmamahal sa sining at pagtuturo.