TALUDturan

TALUDturan Ang pahinang ito ay ginawa upang maipahayag ng mga makata ang kanilang hindi maikantang damdamin. �

05/08/2026

Walang saysay ang umibig nang tunay sa isang Maria Clara kung kay Linares siya'y nakatadhana.

TALINHAGA NG ISANG BATANi SulatLakanSa apat na sulok ng kwadradong silidTainga’y nakasara’t mata’y nakapinidTotoong damd...
03/08/2026

TALINHAGA NG ISANG BATA
Ni SulatLakan

Sa apat na sulok ng kwadradong silid
Tainga’y nakasara’t mata’y nakapinid
Totoong damdami’y iiwan sa gilid
Magbabalatkayo’t walang mababatid.

Mga sayang napuno ng pagkukunwari
Dahila’y di malaman at di mawari
Pasaning nais pagtakpan at ikubli
Itinago sa matatamis na ngiti

Kalungkutan na siyang nagnakaw ng saya
Suliraning sapilitang kinakaya
Puso’t isipang hikahos at pagod na
Lingid sa isang makulay na maskara

Mga matang puspos ng kanyang pangungusap
Ilihim man ay lantad ang pakiusap
Na pita niyang makaalpas sa mga hirap
At kaginhawaa’y nais nang malasap

Sa bahagi ng gulanit na niyang puso
Ang tanging hinahangad ay ang paghinto
Sa mga bagay na dito’y nagpapadugo
At nagpadilim sa madilim nang mundo

Lagay ng batang nais lang ay mag-aral
Sa murang edad ay lubusang napagal
Sa mga suliraning laging dumadatal
Kanyang magagawa’y tumuloy, magdasal.

03/08/2026

Magandang gabi! Muli kong ibinabalik ang pahinang ito upang makapagbahagi ng mas maraming sining sa larangan ng paglikha ng tula. Inaasahan ko ang inyong muling pagtanggap! Maraming salamat.

PakikidigmaNi SulatLakanUlan ay pumapatakKumukulog, kumikidlatBuhay ay ‘di na tiyakUmaahon, nasasadlakSegundo’y ‘di sigu...
03/08/2026

Pakikidigma
Ni SulatLakan

Ulan ay pumapatak
Kumukulog, kumikidlat
Buhay ay ‘di na tiyak
Umaahon, nasasadlak

Segundo’y ‘di sigurado
Tutuloy o hihinto?
Bibitiw sa kapit ko
O hahawak pa nang husto?

Dahan-dahang naglalayag
Animo’y di makausad
Pigil ang bawat paglakad
Hila-hila ng bitag

Tumatakbo, napapagod
Hindi ang paa pero ang utak
Sadlak na’t nalulunod
Lingid sa mga ngiti’t hagalpak

Nagtatalo, naghahamukan
Di alam kung saan lalagi
Nais na kapayapaan
Sa kawad itatali

Nasanay sa kulimlim
Liwanag ay di na batid
Kalagayan ay lumalalim
Sa dako, sarili’y ihatid

Sabik nang pumaroon
Sa oras ng paghinto,
Lahat ay ibabaon
kasama ng katawan ko

Address

Pidigan, Abra
Pidigan
2806

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TALUDturan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category