Bigating Balita

Bigating Balita Komentaryo't impormasyon para sa mga Pilipino.
(1)

Ilang mamamahayag gustong busalan ng Rizal PNP?UMALMA ang ilang miyembro ng mga mamamahayag na kasapi sa PaMaMariSan-Riz...
23/04/2026

Ilang mamamahayag gustong busalan ng Rizal PNP?

UMALMA ang ilang miyembro ng mga mamamahayag na kasapi sa PaMaMariSan-Rizal Press Corps matapos itong iwanan sa ere ng Public Information Office ng Rizal Police Provincial Office.

"Good morning, everyone. This is in connection with the recently conducted Media Summit here at Rizal PPO, where the media accreditation process was emphasized. In compliance with MC 2023-053, entitled “Revised Media Relations Policy,” only those who meet the required accreditation standards will be included in the new Viber group to be created for this purpose," ayon kay PCapt. Mariesol Tactaquin, hepe ng Rizal PNP-PIO.

Isang lingo bago nito, nag-courtesy call ang nasabing grupo sa bagong talaga na provincial director na si PCol. Eleazar Barber at isa sa mga napag-usapan ay ang renewal ng accreditation.

Tulad ng mga nakaraang renewal, tumalima naman ang mga miyembro at nagsumite ng kinakailangang dokumento.

Nabanggit din sa usapan ang may kaugnayan sa isasagawang media summit ng Rizal PNP upang lalo pang maging mabunga ang kooperasyon ng kapulisan at media sa paggawa ng mga balita.

Sa pakikipag-ugnayan ng pangulo ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps na si Niel Alcober kay Tactaquin, dito na nagkaalaman na ang nasabi palang media summit ay inisyatibo ng isa pang grupo ng mga “mamamahayag” na kasapi sa Rizal PNP Press Corps.

Ayon sa kasaysayan ng nasabing grupo, nagkawatak-watak na ito dahil una, karamihan sa mga miyembro nito noon ay mga tinatawag na haosiao o hindi lehitimong mamamahayag at ikalawa, may akusasyon na ang kasalukuyang presidente ay ayaw umano bumaba sa puwesto sa kabila nang dapat ay napalitan na ito.

Hindi na kinuwestyon ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps ang pagiging lehitimo ng kabilang grupo at pumayag na lamang ito na magco-exist sa pagko-cover ng balita sa pagkakaalam na hindi lalampas sa lima ang mga miyembro nito.

Dahil dito, dalawa lamang sa 23 miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps ang dumalo sa nasabing media summit kung saan doon naganap ang proseso sa renewal ng accreditation.

Pagkatapos ng nasabing media summit ay bigla na lang nakatanggap ng mensahe mula kay Tactaquin tulad ng mababasa sa itaas at bigla na lang ‘nag-left the group’ ang lahat sa Team PIO.

Giit ni Alcober, wala umano sa usapan na doon sa media summit gagawin ang renewal kundi puwede itong isumite anumang oras at tulad nang dati ay puwede na sa ipadala sa Viber.

Isa pa, bakit umano sila iniwan sa ere gayong ang kanilang mga miyembro lamang ang nagbabalita ng lahat ng press release ng at kung mayroon man ang kabilang grupo ay wala itong pino-post sa Viber group.

Batay sa nasabing mensahe, lilikha uli ng panibagong Viber group ang PIO para lamang doon sa mga dumalo sa media summit.

Tulad ng naunang argumento ni Alcober, OK na ang co-existence ng dalawang grupo, pero sana umano ay maramdaman man lamang ng kanilang grupo na dalawang grupo ang kinikilala ng PIO at hindi pumapabor sa isang grupo lamang.

Umani rin ng negatibong reaksyon mula sa mga media practitioners na matagal nang kumokober sa probinsya ang hakbang na ito ng Rizal PNP-PIO.

Tila nagiging "selective" na umano ang Rizal PNP sa pagpili ng mga mamamahayag na bibigyan ng impormasyon, nagsisilbi itong banta sa malayang pamamahayag at karapatan ng publiko na makatanggap ng mabilis at tamang impormasyon.

Sa ngayon, nananatiling hamon para sa mga hindi pa accredited na reporters kung paano makakakuha ng mga spot reports at updates mula sa Rizal PNP, lalo na’t ang bagong sistema ay tila naglalagay ng pader sa pagitan ng kapulisan at ng mga kritikal na mamamahayag.

Media officer ng Rizal PNP sibakinNANANAWAGAN ngayon ang karamihan sa mga journo o mga mamamahayag na nagko-cover sa Riz...
07/04/2026

Media officer ng Rizal PNP sibakin

NANANAWAGAN ngayon ang karamihan sa mga journo o mga mamamahayag na nagko-cover sa Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), na sibakin na sa puwesto ang “inaamag” na na hepe ng Public Information Officer nito na sa PCapt. Marisol Tactaquin.

Kung bakit “inaamag” na itong si Tactaquin ay dahil sa napakatagal na pala nitong nakaupo sa pwesto at matagal na ring pinagtitiisan ng mga reporter. Hindi kasi ibig sabihin na mahusay o magaling ang isa kapag tumagal o matagal na sa pwesto. Minsan pala ay dahil sa wala ng mapagpipiliian, hinihintay na lang na magretiro o pinagtitiisan na lang ng pamunuan.

Ang problema mga ka-BIGATIN, hindi yata ang pamunuan ng Rizal PPO ang nagtitiis kundi ang mga reporter mismo na in-asayn ng kanilang media outlet na mag-cover sa Rizal particular na sa mga police reports, accomplishments at iba pang activities.

Isa sa mga inaangal ng mga mamamahayag ay na napaka-kupad nitong si Tactaquin pagdating sa pagbibigay ng impormasyon lalo na sa mga breaking news o malalaking balita. Ang isang dahilan kasi ng mga reporter ay na may hinahabol silang oras lalo na sa mga pahayagan. Importante sa kanila ang cut-off time.

Ibig sabihin lamang nito, kukulitin sila ng kani-kanilang mga news editor ng impormasyon para maihabol bago “i-sarado” ang diaryo. Ngayon kung talagang hindi pa makakakuha ng kabuuang detalye, ang hinihiling LANG naman ng mga reporter ay na kahit ‘spot report’ man lang, meaning iilang detalye lang, HINDI BUONG detalye.

Sa tagal na natin mga ka-BIGATIN sa pagiging reporter at nakapag-cover na rin tayo sa ibang police beat, itong si Tactaquin lang ang masasabi nating totoong makupad dahil batay sa experience natin eh mamumuti na lang ang mata mo sa kakahintay.

Baka ang idadahilan ni Tactaquin ay sensitibo ang krimen o ang insidente. Aba eh matagal na nating alam ‘yan kung paano ang treatment pagdating sa pagbuo ng balita. Sinusunod na nga namin sila na hindi ilagay ang tunay na pangalan kundi alyas lang.

Sinunod na nga rin natin sila na naka-blur ang photos kapag ang involved ay bata, minor, r**e victim at iba pa na humihiling nito. Alam na natin yan eh. Hindi na tayo ipinanganak kahapon lang ika nga.

Ang problema kasi dito kay Tactaquin ay na kahit maliliit na detalye ay hindi kayang ibigay. Dahil kesyo patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon, parating pa lang ang SOCO etc, etc at kung anu-ano pang dahilan.

Halimbawa na lang itong nangyaring hostage-taking sa Angono nitong Linggo ng Abril, 5, 2026 kung saan sangkot ang buong pamilya sa insidente. Ang hinihingi lang natin ay una, photo. Kailangan ba namin ng photo o picture ng nakahandusay na katawan ng pinatay na asawang babae? Hindi.

Ang kailangan lang namin ay photo ng insidente. Halimbawa, baka puwedeng may mautusan siyang pulis na nasa labas ng bahay at i-instruct na kunan ng litrato ang bahay na kung saan makikitang may mga SWAT team; kunan ng litrato ang police car na mahahagip sa piktyur ang bahay at iba pa.

Karaniwan sa spot report at ang What, When, Where at Who lang naman at saka na lang ang Why. Hindi naman yata ganun ka-bigat yon mga ka-BIGATIN di ba? YON LANG ang kailangan namin.

Kaya kung sa ganito lang ka-simple na kahilingan ng mga mamahayag ay hindi maibigay ni Tactaquin, ano pa kaya kung sa iba pang malalaking balita. Ngayon kung hindi man siya tatanggalin sa pwesto eh sana’y magbago na siya para hindi na amagin.

Enkaso nga eleksyon subong, sin-o ang imp pili-on, ang Robredo-Dizon nga tandem ukon ang Duterte-Marcoleta?Ang imo sabat...
17/03/2026

Enkaso nga eleksyon subong, sin-o ang imp pili-on, ang Robredo-Dizon nga tandem ukon ang Duterte-Marcoleta?

Ang imo sabat sa comment section.

Ano na ang resulta ‘ngani’ | Imbestigasyon sa mga proyekto ng pagkontrol sa baha nakalimutan na naman? ☹️Basahin ang buo...
10/03/2026

Ano na ang resulta ‘ngani’ | Imbestigasyon sa mga proyekto ng pagkontrol sa baha nakalimutan na naman? ☹️

Basahin ang buong detalye sa comment section

Diversionary tactic? | Talo na sa halalan, kinasuhan pa 😖Alamin ang detalye sa comment section
24/02/2026

Diversionary tactic? | Talo na sa halalan, kinasuhan pa 😖

Alamin ang detalye sa comment section

11/02/2026

Ninakaw na motorsiklo binenta sa may-ari nito; motornaper bugbog-sarado 😡

HINDI natin makumpirma ang legitimacy ng videong ito hangga't walang police investigation.

Bagama't malinaw na sinuntok ng umano'y may-ari ng motor ang suspek o motornaper, hindi natin ito sinanasang-ayunan, ito ay isang karahasan.

Posibleng dahil sa init ng ulo o perwisyong idinulot ng pagkawala ng motor kung kaya nagawa ng may-ari na manapak na lamang.

06/02/2026

Lalaking may 'amats' nag-ala fliptop vs pulis Cavite 🤣

Kamote riders, bakit hindi mawala-wala?KAPANSIN-PANSIN mga ka-BIGAT na ilang taon na rin nang simulan ng Land Transporta...
05/02/2026

Kamote riders, bakit hindi mawala-wala?

KAPANSIN-PANSIN mga ka-BIGAT na ilang taon na rin nang simulan ng Land Transportation Office (LTO) ang mahigpit na pagpapatupad ng mandato nito partikular na sa paggawi ng mga motorista sa kalsada, pakikitungo nito sa kapuwa drayber at maraming iba pa.

Hindi rin maikakaila na dahil sa social media kung kaya maraming mga viral video ang pinagpiyestahan ng mga netizen dahil sa maling asta ng ilan sa mga motorista, anuman ang katayuan sa buhay.

May mga sinuspendi ang lisensya, binawian ng lisensya at ang nakakalungkot ay may mga binawian pa ng buhay dahil sa init ng ulo kung kaya nauwi sa mga karahasan.

Ngunit sa kabila nito, marami pa rin ang mga insidente na kinasasangkutan ng tinaguriang mga “kamote riders,” drayber man o minsan pati pasahero ay nasasangkot din.

Sabi ng iba, mukhang hindi sila nababawasan, mukhang dumadami pa.

Oo nga naman. Bakit nga naman mayroon pa ring mga pangyayari kung saan nauulit lang ang mga dati nang insidente: suntukan, sapakan, barilan, sigawan at kung mga anu-ano pa.

Nakakalungkot isipin mga ka-BIGAT dahil sa halip na pagtuunan natin ng pansin ang ilang mga mahahalagang bagay na mas malaki ang naging epekto sa buhay natin eh yon pa ang nawawala sa eksena.

Kuning halimbawa na lamang itong usapin sa anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sino ba ang masasabi natin na walang kadala-dala pagdating sa pagkulembat ng pera ng taumbayan? Di ba mga pulitiko na mula noon hanggang ngayon ay tulad ng mga kamote riders, ay hindi rin maubos-ubos, sa halip dumarami rin sila?

Sila pa nga ang gumawa ng batas kung ano ang mga paglabag at kung ano ang magiging kaparusahan. O eh bakit hindi sila natatakot gumawa ng kabulastugan?

Sabi nga nila mga ka-BIGAT, kawawa ang mga nadadamay sa pagmamani-obra ng mga pulitiko kung paano lulusutan ang mga butas sa ginawa nilang batas.

Ang mga kontraktor ay naging palaman n lamng ng mga mambabatas na sangkot sa nasabing anomalya dahil hindi naman iyon magagawa ng mga kontratista kung walang basbas ng mga pulitiko at ilang opisyales ng departamento.

Isipin nyo na lamang mga ka-BIGAT itong mag-asawang Discaya. Sila na ang nagsiwalat ng mga sangkot eh sila pa ngayon ang nasa kangkungan sa halip na mga promotor o pasimuno ika nga.

Inamin ng dalawa na kaya lamang sila napipilitang “makipaglaro” sa lagayan para sa mga opisyal dahil na rin sa pakikisama.

Maaari umano silang gipitin sa paniningil o kaya’y hindi na makasali sa bidding process.

Ano sa tingin nyo mga ka-BIGAT. Mauubos kaya ang mga kamote riders at kurap na mga pulitiko o sabay silang iiral pa rin?

Tangkang bagong liderato sa Mataas na Kapulungan, nadiskaril?MUKHANG nadiskaril ang di-umano'y plano ng minorya sa Mataa...
05/02/2026

Tangkang bagong liderato sa Mataas na Kapulungan, nadiskaril?

MUKHANG nadiskaril ang di-umano'y plano ng minorya sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng bagong liderato.

Ito'y kaugnay pa rin sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa bali-balita, may iilan umano na hindi sang-ayon na maisama sa kaso ang ilan sa kanilang mga kasamahan.

Ito na nga ba ang sinasabi ng ating mga ka-BIGAT. Kapag kapuwa na nila ang malalagay sa alanganin ay nagtatakipan na sila.

Bakit, darating din ba ang panahon o pagkakataaon na malalagay din sila sa alanganing situwasyon at umaasa na kakampihan o pagtatakpan din sila? Singilan time ika nga.

Kumusta naman ang mga kawawang kontraktor na bagaman nakinabang sa kurapsyon ng mga pulitiko ay mukhang sila pa ang napuruhan sa mga pangyayari.

Kunin na lang nating halimbawa itong nangyayari sa kontrobersyal na mag-asawang kontraktor.

Sa palagay nyo mga ka-BIGAT, maglalakas-loob ba ang mga ito kung hindi sila “protektado” ng mga pulitiko na siyang nagmamani-obra sa anomalyang ito?

Tatagal ba ng ganun ganun na lang kung hindi rin nakikinabang ang mga pulitiko mula sa pinakamababa hanggang sa mas matataas na posisyon?

Kahit sino naman siguro ay masisilaw din sa ganitong opotunidad. Isipin nyo na lang mga ka-BIGAT, mag-ngingitian na lang kayo o magtatanguan ng pulitiko na siyang may kontrol sa iyo dahil hindi kayo puwedeng makitang nag-uusap sa publiko.

Kung hindi hindi ngumiti si pulitiko, ibig sabihin, hindi sapat o kaya ay kulang ang parte ng pulitiko na ibinigay ng kontraktor. In advance (payment) pa daw yan mga ka-BIGAT ha.

Kaya asahan na ni kontraktor na mahihirapan siyang maningil at ang masaklap pa ay posibleng hindi na siya makakasama sa bidding dahil hahanapan na ng butas ng “bata” ng pulitiko, karaniwan ay teknikal na rason.

Ang kawawang mga kontraktor.

Inspeksyon ni Dizon sa mga pantalan, highways at tulay walang humpayWALANG humpay ang isinasagawang inspeksyon ni Depart...
02/02/2026

Inspeksyon ni Dizon sa mga pantalan, highways at tulay walang humpay

WALANG humpay ang isinasagawang inspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa mga pantlan (seaports), paliparan (airports) mlalaking mga kalsada at tulay sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Layunin ng kalihim na malaman na ginagawa ito ng tama at nasa wastong pamantayang nasyunal o Philippine Standard.

Ano sa palagay nyo, magbabago na kaya ang eksena sa kurapsyon at masusugpo na ito kung saan dito kilala ang ahensya?

Address

Metro Manila
Pateros
1000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bigating Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share