13/01/2023
Literal na walang katulad ๐
'DRINK WATER, WER R U?'
Patok ngayon sa social media ang larawang ibinahagi ng isang netizen tampok ang isang estudyanteng may kakaibang pangalan.
Sa naturang ID, mababasa na ang pangalan nito ay Drink Water Rivera.
Sa ekslusibong panayam ng PSND kay Drink Water, ibinahagi nito ang dahilan kung bakit nga ba ganito ang naging kanyang pangalan.
"May three reasons daw po kung bakit Drink Water yung name ko sabi ng mommy ko. First is gusto niya maging kakaiba ang pangalan lahat ng magiging anak niya. From Winner, Rice, then pagdating sakin Drink Water. Pangalawang reason po is bago siya maging Drink Water ang daming pangalan na naisip ng mommy pero ang natatandaan ko lang po na kwento niya na dapat pangalan ko is Vladimir. Until naglabor siya. Di daw sya makahinga kapag walang tubig sa katabi niya at kapag hindi nakakainom ng tubig. So dun daw po nagstart yung idea ng Drink Water na name. Dagdag pa po niya na yung surname ng boss ng daddy ko sa ibang bansa that time is Drinkwater na walang space. Last reason po niya is gusto niya maging living reminder ako for everyone to drink water everyday," kwento nito sa PSND.
"Iโm loving my name tho kasi sabi nga po sa amin sa advertising, branding ko โto eh. Unique siya and ako lang daw po yung meron na ganitong name. One of the key factors of a good advertising is a good branding at yung impact nito and I think nagreresonate siya with my name kasi yun nga po, not to brag, pero maraming tao po ang natutuwa and naaamaze sa pangalan ko," saad pa niya.
"Having a unique name is cool tho until mag recitation sa class niyo kasi sa sobrang โremarkableโ daw nung name, ikaw ang mauunang matatawag sa recitation at hindi siya masaya HAHA," dagdag pa nito.
Dahil rito, iba't ibang bansag na raw ang tinatawag sa kanya ng kanyang mga kakilala dahil masyado umanong mahaba ang "Drink Water" para bigkasin.
"May binigay po sa akin na nickname yung Grade 8 teacher ko po sa TLE dati. Sa sobrang aliw niya po sa pangalan ko tinatawag niya po ako laging โh2oโ chemical formula ng water. Dinala ko po siya hanggang college pero di siya naging consistent dahil medyo mahaba po siyang bigkasin. So nagreresort lang po yung mga friends and professors ko sa Drink," saad nito.
(Drink Water River/Facebook)