12/08/2026
Back to making Pinoy Komiks! pero this time, ginawa ko isang katutak na individual digital illustrations na pinagtatagpi-tapi ko according sa mga eksena ng aking skits. Resulta, fresh ang stories and jokes, same digital drawings, pero napapalitan ng poses, colors at backgrounds. Madaling i-assemble na PNG art cards! Basta every month may naka-schedule na in advanced, na lalabas, Hindi mabibitin ang story. Ang technique na ito ay natutunan ko lamang sa haba ng panahon na ako ay nagtrabaho sa publishing. Huwag na huwag kang maglalabas ng kuwento o serye na hindi mo masusundan. Otherwise, failed effort ito dahil iiwanan ka ng readers/followers/audience mo. Iyan ang problem ng ibang kontemporaryo ko, hindi consistent ang labas ng kanilang mga posts na kuwento o serye. Walang feature na advanced scheduling kasi ang FB profile. Kailangan talaga nasa Meta Business Suite ka. Sa TikTok naman, sa TikTok Creator Studio. Ang Kapehan ni Kendi ay parang Pinoy Komiks na nakilala natin, isang daigdig ito ng mga regular characters na araw-araw may kuwelang post. Based ito sa mga tunay na tao na nakilala ko nuong ako ay nasa Pinoy Komiks Publishing pa, si Kendi ay ang yumao kong editor na si Beth L. Rivera. Si Madam Kafin ay ang aking alias sa komiks na nagsusulat ng daily horoscope. Si KraffyBarry ay ang makulit na illustrator na laging nang-aasar (sundan ninyo para malaman kung sino siya!). Si Manong JD ay isang fellow contributor din. At siyempre, si Bertang Birit ay ang asawa ng isang contributor na palagi naming kasama sa grupo. Of course ang immortal kong boss at mentor na si Dona Elena ay si Donya Awra! Lahat ng aking memories at masasayang experiences ay nasa mundo ng Kapehan ni Kendi. Monetized na ito nito lamang June kaya laking gulat ko dahil gusto ko na sanang susukan ito dahil puro 0-views. Pero tulad ng saying: Stars shine at their own time... May panahon talaga ang bawat isa at ang bawat bagay. Ngayon Pati ang Lolabubu, Spark Valley Dinos, Caffeinated Mystics, Caffeinated Creatives at The Upper Room Coffee & the Word ay open na din for monetization sa TikTok nga lang. It doesn't matter kung maliit, kung barya-barya lang. Ang imprtante, I found my niche in social media. Another tip: Sundin lang ninyo ang advice ng AI, mas alam nila kung paano tumakbo ang social media.