13/09/2025
๐ฏ๐จ๐ท๐ท๐ ๐ฉ๐ฐ๐น๐ป๐ฏ๐ซ๐จ๐, ๐ท๐ถ๐ท๐ฌ ๐ณ๐ฌ๐ถ ๐ฟ๐ฐ๐ฝ!
Mga kaparokya, kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus, ipinagdiriwang din ni ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฒ๐ผ๐ป ๐ซ๐๐ฉ ang kanyang ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ณ๐ฌ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป!
Nagpapasalamat ang buong Simbahan sapagkat sa kanyang kababaang-loob at tapang, tinanggap niya ang napakahalagang tungkulin na maging kahalili ni San Pedro, isang pastol na gumagabay sa atin tungo kay Kristo. Sa kanyang motto na โIn Illo uno unumโ (Sa Isa, si Kristo, tayoโy nagkakaisa) โ ipinaaalala niya sa atin na kay Kristo lamang nagmumula ang ating pagkakaisa at pag-asa.
Sa patuloy nating paglalakbay ngayong Hubileyo ng Pag-asa, nawaโy maging inspirasyon sa ating lahat ang buhay at paglilingkod ng ating Santo Papa, upang sa kanya ring paggabay, tayoโy maging iisang sambayanang nagkakaisa sa pananampalataya at masigasig na saksi ng pag-ibig ng Diyos sa mundo.
๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฒ๐ผ๐ป ๐ซ๐๐ฉ:
V. Oremus pro Pontifice nostro Leone.
(Ipanalangin natin ang ating Santo Papa na si Leon)
R. Dominus conservet eum, et vivificet eum, et beatum faciat eum in terra, et non tradat eum in animam inimicorum eius.
(Pagpalain nawa siya ng Panginoon, bigyan ng buhay at kalakasan, gawin siyang pinagpala sa lupa, at huwag hayaang siyaโy mahulog sa kamay ng kanyang mga kaaway.)
Oremus.
Deus, omnium fidelium pastor et rector,
famulum tuum Franciscum, quem pastorem Ecclesiae tuae praeesse voluisti, propitius respice: da ei, quaesumus, verbo et exemplo, quibus praeest, proficere: ut ad vitam, una cm grege sibi credito, perveniat sempiternam. Per Christum, Dominum nostrum. Amen.
(Manalangin tayo:
Amang Diyos, Pastol at Tagapamahala ng lahat ng mananampalataya, lingapin mo ang iyong lingkod na si Leon, na hinirang mong mamuno sa iyong Simbahan bilang Pastol. Ipagkaloob mo sa kanya, hinihiling namin, na sa pamamagitan ng salita at halimbawa ay mapatibay ang mga pinamumunuan niya, upang kasama ng kawan na iniatang mo sa kanya ay makarating sila sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.)
๐จ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐บ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐ณ๐๐๐ ๐ฟ๐ฐ๐ฝ!