Wine and Poetries

Wine and Poetries Wine and Poetries A spoken word poetry performer

🩷
24/12/2024

🩷

Nakalulula kaya ang spoken word poetry scene sa Pilipinas. Napakaraming halimaw pag dating sa pagtatanghal ng piyesa, sa...
22/07/2024

Nakalulula kaya ang spoken word poetry scene sa Pilipinas. Napakaraming halimaw pag dating sa pagtatanghal ng piyesa, sa pagsusulat. Marami sa kanila kayang sumulat ng napaka-angas na piyesa sa ilang minuto lang. Marami ring magaling mag impromtu- yung hindi katulad ni Yasmin ha.

This art form is never less than any other form of art.

Hindi na lahat ay nag-i-spoken word poetry ngayon.

Totoong hindi na ganoon kainit ang pagtanggap ng mga tao ngayon kumpara noong 2014 hanggang sa mga unang buwan ng 2018, pero marami pa rin kaming ginagawa ito. Buhay na buhay pa rin ang eksena. May mga nakabalik, bumalik at bumabalik pagtapos ng hindi magandang panaginip na pandemic.

Aktibo pa rin ang Kalimbahin, nakikita niyo naman iyan. Ganoon din ang Titik Poetry na nakabase sa Cavite (kadalasan din ay doon ang mga event nila). Ipinagdiwang ng
KM64 ang kanilang ika- 21 na anibersaryo noong Marso. Noong Hunyo, ika-8 anibersaryo naman ng at may event sila sa July 30. Patuloy pa rin ang Third Thursdays open mic ni Leandro Reyes ng Collab PH. May planong event ang Tulasalitaan PH sa Sept, sana matuloy. Ang Midnight Collective at πƒπšπ¦ππšπ¦π’π§π  𝐍𝐚𝐀𝐚𝐩𝐚𝐬𝐀𝐒π₯ nakakasama namin sa event, malamang bumalik na rin sila. Nagkalat ang mga taga-Alab at Sinag at Baon Collective. May mga taga-Lapis Art Comm at Muntinlaya kaming kaibigan na patuloy pa ring nagsusulat at nagpeperform, baka rin ngayong taon ay magdaos ang mga iyan ng event. May mga community at school based org na nagpapatuloy pa rin. Malamang masigla pa rin ang spoken word scene sa Visayas at sa ilang bahagi ng Mindanao, hindi lang namin nababalitaan, dahil din siguro wala kaming masyadong kakilalang taga-roon.

May bagong buo ring collective, isa rito ay ang Espacio Art Collective na kakaraos lang ng event nila sa Cavite. Sana ay mas marami pang mabuo.

Sana bumalik na yung mga tumigil.

Isa pang sana: sana hindi si Kween Yasmin ang pamantayan ng spoken word. Nababastos kaming mga nagbibigay ng oras, enerhiya at gumagastos para rito. Hindi baduy ang spoken word. Hindi ito naging baduy. Kailangan mo lang makapanood pa ng ibang spoken word artist.

Samahan ninyo kami sa live events, at sa mga spoken word artist na gustong magkaroon ng community, welcome kayo sa Kalimbahin Art Community (KAC)

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wine and Poetries posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share