14/12/2023
Disyembre 14, 2023| Magandang tanghali ka-Teatro,
Pondohan de Navidad, isang napakalaking programang isinagawa sa paaralang Nagpayong High School. Nakakatuwa na isa ang Teatro Pilipino Club sa nagbigay saya sa mga mag-aaral mula sa ika-7 hanggang 12 na baitang, nakakatuwa dahil madaming mag-aaral at maging ang mga g**o ang sumuporta sa aming munting negosyo, mag mula sa unang araw hanggang sa huling araw ng programa.
Maraming Salamat din sa aming mga g**o na gumagabay, sumusoporta at humuhubog sa amin bilang isang lider estudyante, nakakatuwa na naging gabay namin sila sa isinagawang programa upang maging matagumpay at lumago ang aming kakayahan.
Nais din naming magpasalamat ng madami sa bumubuo ng SSLG Nagpayong High School, dahil sa kanilang suporta ay nagawa namin ng maayos at matagumpay ang isinagawang programa at sa aming minamahal na Principal na nag-aproba, sumuporta, at tumulong saamin.
Pagpapasalamat ng Teatro Pilipino Club ay umaapaw, makita lamang namin na nakakapagpasiya kami ng napaka daming kabataan ay mas nagkakaroon kami ng rason para maging masipag para maglingkod bilang isang lider estudyante at tumulong.
Muli, ito ang Teatro Pilipino Club na nagmamahal at nagpapasalamat.