Immaculate Conception Cathedral Pasig - Music Ministry

Immaculate Conception Cathedral Pasig - Music Ministry The minister of music is responsible for selecting music that will enhance the experience of congregants in the worship service.

03/08/2026
03/08/2026
03/08/2026
03/08/2026
03/08/2026
03/08/2026
08.01.2026The ICC Music Ministry is once again conducting rehearsals for the upcoming Lakbay Baliktanaw 2026 to be held ...
01/08/2026

08.01.2026
The ICC Music Ministry is once again conducting rehearsals for the upcoming Lakbay Baliktanaw 2026 to be held at the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, Quiapo Church



01/08/2026

Agosto 1
PAGGUNITA KAY SAN ALFONSO MARIA NG LIGOURI
obispo at pantas ng Simbahan

PANALANGIN NG
PAG-AADHIKA KAY MARIA
(Ni San Alfonso Liguori)

Batid mo ba, mahal na Maria,
Ang aking inaadhika?
Ang ibig ko ay ibigin ka,
Iyan ang aking nasa.

Nais kong laging nasa piling mo,
Reynang marikit at mapagmahal!
Huwag, huwag mo akong itaboy
Mula sa paanan ng aking Ina.

Kaya, O napakagandang Rosas!
Nais kong marinig ang iyong tinig.
Mapagmahal na Ina! sabihin mo
Kung ano ang nais mo sa akin.

Wala na akong ibang maiaalay,
Narito, dala ko ang aking puso;
Buong-pagmamahal ko itong ibinibigay,
Upang hindi na kailanman humiwalay sa iyo.

Mahal na Ina, tinanggap mo na ito,
Hindi na ito sa akin:
Matagal mo na itong minahal,
At ang pag-ibig nito ay sa iyo!

Kaya huwag mo akong pababayaan,
Ina ng wagas na Pag-ibig,
Hanggang sa balang araw ay makita mo akong
Ligtas sa piling mo sa Langit. Amen.

31/07/2026

Hulyo 31
PAGGUNITA KAY SAN IGNACIO DE LOYOLA
Panalangin kay San Ignacio de Loyola

Maluwalhating San Ignacio de Loyola, nakilala bilang tagapagtatag ng kapisanan ni Hesus, isang samahan ng mga taong punong-puno ng pagnanais na ipahayag ang mabuting balita sa buong daigdig at gampanan ang lahat sa buhay tungo sa lalong ikadadakila ng Diyos.

Hinihiling namin na bigyan mo kami ng inspirasyon na patuloy na mamuhay sa biyaya ng Diyos at magkumpisal ng aming mga kasalanan upang masalubong namin ang aming kamatayan nang may kabanalan.

Tulungan mo kaming umiwas sa mga tukso sa buhay na sumisira ng aming ugnayan sa Diyos at sa kapwa.
Ipanalangin mo po ang Santo Papa Leon, ang aming Obispo at tanang mga Obispo, ang aming Kura Paroko, at ang lahat ng pari, diyakono, relihiyoso at relihiyosa na nangangalaga sa bayan ng Diyos.

Nawa'y lalong mamunga ang simbahan ng magagandang gawain para sa ikauunlad ng mga dukha, ikalalalim ng pananampalataya, at ikababantog ng Salita ng Diyos sa buhay ng mga Kristiyano.

Pakinggan mo kami San Ignacio sa aming pagtawag, at tulungan mo kami sa mga hirap at pasakit na aming dinadala sa aming buhay. Nananalig kami sa iyong pagmamalasakit sa amin at sa tulong ng mapagkalingang Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria.

Alam naming ipagkakaloob ng Diyos ang aming hilingin, sa tulong ng iyong panalangin at sa pamamagitan ni Kristong Panginoon. Amen.

San Ignacio ng Loyola, Ipanalangin mo kami.

28/07/2026

Hulyo 29
PAGGUNITA KINA SANTA MARTA, SANTA MARIA AT SAN LAZARO NG BETANIA

Panalangin sa Magkakapatid ng Betania

O, Diyos Amang makapangyarihan, pinapaging-banal Mo ang pamumuhay nina Marta, Maria at Lazaro ng Betania, dahil sa palagiang pananahan doon ng Iyong Anak. Ibinigay Ninyo sila sa amin bilang halimbawang aming dapat tularan dahil sa malugod nilang pagtanggap sa pagpisan ng Panginoong Hesus sa kanilang payak na tahanan.

Katulad ni Santa Marta, kami po'y Iyong turuan na matutong maglingkod sa Iyo sa katauhan ng aming kapwa. Sa mga naliligalig, maging kapanatagan nawa kami; sa mga nangangailangan, kami nawa'y maging katugunan; at sa umaasa, maging lakas nawa kami; upang maunawaan namin na ang paglilingkod ay paglalakbay sa landas ng tunay na kabanalan tungo sa Iyong Kaharian at tunay ngang sa bawat araw ng aming buhay ay aming masampalatayanan na si Hesus ang Mesiyas na aming tagapagligtas.

Ipagkaloob Mo, tulad ni Santa Maria, aming matutunan ang nararapat naming gawin lalo't higit sa panahon ngayon na ang sanlibutan ay punĂ´ ng ligalig at hilahil. Patuloy Mo sanang ipabatid sa amin ang kahalagahan ng pakikinig at pagbabahagi ng Iyong salitang nagbibigay buhay, upang magpakailanman ay Ikaw lamang ang aming pupurihin at pararangalan.

Iniluluhog namin sa Iyo Panginoon, na tulad ni San Lazaro, kami nawa'y Iyong hanguin at ibangon sa pagkakahimlay sa dusa at pagkakalugmok sa kasalanan, upang kami'y mapabilang sa kaluwalhatian ng Iyong Kaharian.

Ang mga panalangin nawa ng mga banal na kaibigan ng Anak Mong mahal--Marta, Maria, at Lazaro ng Betania--ang magpagin-dapat sa aming tanggapin ang kinakailangan naming tulong at biyaya mula sa Iyo. Isinasamo namin ang dalanging ito kay Hesukristong aming Panginoon, kasama Mo at ng Espiritu Santo, nabubuhay at naghahari, magpasawalang hangggan. Amen.

Santa Marta ng Betania, ipanalangin mo kami.
San Lazaro ng Betania, ipanalangin mo kami.
Santa Maria ng Betania, ipanalangin mo kami.

Address

Malinao
Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Immaculate Conception Cathedral Pasig - Music Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category