Aling Pulis KB

Directions Website

Aling Pulis KB โœŠ๐Ÿป Motivational Speaker
๐Ÿ’ช๐Ÿป Women Advocate Awardee๐Ÿ…(7x)
๐Ÿ‘ฎ๐Ÿปโ€โ™€๏ธ Police Corporal
โœจ Proud Single Mother
๐ŸŽ™ Viral Singing Police
๐Ÿค A Woman with Vision
๐Ÿ“ธ Photographer

An empowered woman, motivational speaker, and (6x) awardee for women empowerment advocacy, she is a single mother and the viral singing policewoman who uses her voice and platform to uplift othersโ€”to keep going, dream bigger, and rise above lifeโ€™s toughest battles. ๐Ÿ‘ฎ๐Ÿปโ€โ™€๏ธโœจ

A survivor of domestic violence from 2010 to 2017, she has turned her pain into purpose. A dedicated officer of PNP-Women and Children Protection Center, serving with heart, and giving women and children the justice and voice they deserve. ๐Ÿ‘ฎ๐Ÿปโ€โ™€๏ธโœจ

Through her work and presence, she also champions the strengthening of police-community relations and actively promotes a positive and trustworthy image of the Philippine National Police. Her story is not just one of survival, but of serviceโ€”bridging hearts, building trust, and inspiring hope. As the Nationwide Secretary of the PNP Content Creator Group, she has reached thousands through social mediaโ€”sharing motivational talks, music, and her story of resilience. Her journey has been featured in mainstream media such as GMA, ABS-CBN, TV5, Net25, UNTV, and PNN, as well as in shows like Rated K, Eat Bulaga, and Itโ€™s Showtime.

๐Ÿ… She has been honored as one of the 100 Most Empowered Women (2023, 2024, 2025, 2026) by Gawad Pilipino, standing alongside respected national leaders and advocates. She has also received multiple recognitions from the PNP and other organizations for her contributions as a performer, speaker, and influencer. Beyond recognition and the spotlight, Aling Pulis KB remains grounded in her mission: to empower women, youth, single parents, and survivorsโ€”encouraging them to rise above adversity and keep pursuing their dreams. Because at the end of the day, as she proves through her own journeyโ€”dreams are always worth it. ๐Ÿ’œโœจ

ALING PULIS KB (AVP) Lifestory, Etc. from Youtube, Rated Korina and Facebook. Links : https://www.youtube.com/watch?v=AHnI__h8-D8&t=4s

https://www.facebook.com/alingpuliskb/videos/1045383683156478

https://www.youtube.com/watch?v=Bxmaczxt8sk&t=55s

Salamat po ๐Ÿ™๐Ÿปโœจ
23/09/2026

Salamat po ๐Ÿ™๐Ÿปโœจ

Supremo Est.2023 Featuring

"Isang Ama" by PCpl Kimberly Mae O Tabat

"Mas mauunawaan mo ang salitang "Sakripisyo" pag ika'y nandito na sa serbisyo kaya naman itoโ€™y iyong Isapuso, Isabuhay at Paka-Ingatan.

Ikaโ€™ din ng MENTOR ko ang mga litanyang iyan. (Tatay ko)

Kaya payo ko sayo, Oo IKAW.

Yung hirap nasa isip lang yan.
You are what you think.
Pag inisip mong mahirap, mahihirapan ka talaga.
Pag Inisip mong kaya mo lalo nasa puso mo mga ginagawa mo, makukuha mo mga minimithi mo.

Power of mind lang yan.
MINDSET o MIND OVER BODY Ika Nga.

Bago ka mapunta sa kung nasaan ka ngayon, pinaghirapan mo yan. Sabi mo pa nga
โ€œKahit ano, kakayaninโ€ โ€œKahit saan, Banatโ€
Napaka daming nangangarap mapunta at magsilbi .. kaya naman mas pahalagahan mo itoโ€™t paka ingatan.

Pag nakaramdam ng hirap,
Matutong mag tyaga, mag pasensya
higit sa lahat Magdasal.

Di ka makakaramdam ng pagod pag yung SAKRIPISYONG ginagawa mo Bukal sayo,
lalo para sa magandang kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay yan.

Eto ang Sinumpaang Tungkulin. PARA SA BAYAN.
Yakapin mo, Isapuso mo higit sa lahat gawin lagi ang tama.

Sabay lang sa agos. Papabor din sayo ang panahon lalo kung tama at kabutihan ginagawa mo. ๐Ÿ‘Œ๐Ÿผ

Public Servant at the same time SINGLE PARENT

Iniwan, Nasaktan dati,
di sumuko, nagpursige, mas nangarap
at Natupad ang Pangarap.

This is My kind of SAKRIPISYO.
Na habang buhay ko Isasapuso.

Words by KB Olmedo Tabat ๐Ÿ’ญ๐Ÿคโœจ

Fullfiling sa pakiramdam na"uuwi kang pagod sa trabaho" at alam mong nakapaglingkod ka ng buong puso at taas noo sa baya...
22/09/2026

Fullfiling sa pakiramdam na
"uuwi kang pagod sa trabaho" at alam mong nakapaglingkod ka ng buong puso at taas noo sa bayan. ๐Ÿ‘ฎ๐Ÿปโ€โ™€๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™ฉ๐™๐™š๐™ฌ 5:9

Thank you Lord sa payapang araw, sa gabay at lakas na pinagkakaloob mo palagi. ๐Ÿ™๐Ÿปโœจ

Thank you po, Sobrang naaappreciate ko po ito. Si sir mau, Isa sya sa din dahilan kung bat din ako nahubog sa serbisyo, ...
16/09/2026

Thank you po, Sobrang naaappreciate ko po ito.

Si sir mau, Isa sya sa din dahilan kung bat din ako nahubog sa serbisyo, lalo sa larangan ng pagbibigay impormasyon sa publiko thru socmed..
Thank you po dahil isa ka sa nakakita ng potensyal na meron po sa akin.

Forever grateful to you sir ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿคโœจ

"INANG AMA"
Sino ang mag-aakala?

Noong Abril 1, 2019, una nating nakilala ang isang simpleng Police Trainee sa NCRTCโ€”may hawak na papel na may pamagat na โ€œINANG AMA.โ€

Noon, isa lamang siya sa maraming trainee na may pangarap: matapos ang pagsasanay, maisuot nang buong dangal ang uniporme, at magkaroon ng pagkakataong makapaglingkod sa bayan.

Ngayon, ang pangalang iyon ay kumislap siya si PCpl Kimberly Tabat, mas nakilala rin ng publiko bilang โ€œAling Pulis KB โ€โ€”isang policewoman na hindi lamang nagsusuot ng uniporme, kundi ginagamit din ang kanyang talento at boses upang magbigay ng inspirasyon sa iba.

Mula sa pagiging police trainee, nagpatuloy ang kanyang journey sa serbisyo. Nakilala rin ang kanyang talento sa pagkanta, naging contender sa Tawag ng Tanghalan, at kalaunan ay naimbitahan sa iba't ibang sikat na television programs bilang isang singing policewoman.

Ngunit sa likod ng mga ilaw, camera at pagkilala ng publiko ay naroon pa rin ang isang ina at pulis na may responsibilidad na kailangang gampanan.

Bilang isang ina, kinailangan niyang harapin ang realidad na may mga pagkakataong ang oras na sana'y para sa pamilya ay kailangang ialay sa tungkulin. Ang anak na kanyang minamahal ay naging bahagi rin ng inspirasyong nagtutulak sa kanya upang patuloy na magsikap at tumayo sa sariling lakas at natatanging kakayahan bilang babae.

Kaya may espesyal na kahulugan ang kanyang piyesang โ€œINANG AMA,โ€ na dala na niya noong police trainee pa lamang siya. Sumasalamin ito sa isang magulang na kailangang maging matatag, magsakripisyo at patuloy na lumaban para sa kinabukasan ng anak.

At dito maaaring makakuha ng aral ang bawat nangangarap maging pulis.

Lahat ng pulis na nakikita nating nakasuot ng uniporme ngayon ay minsan ding nagsimula bilang aplikanteโ€”may kaba, may pagod, may pagsubok at walang kasiguraduhan kung makakarating sa kanilang pangarap.

Kaya kung hindi ka pinalad sa unang application, hindi ibig sabihin na hanggang doon ka na lamang.

Kung bumagsak, bumangon at alamin kung saan ka dapat mag-improve.
Kung kulang sa physical preparation, magsanay.
Kung kailangan pang mag-aral, mag-aral.
Kung kailangan pang maghintay, gamitin ang panahon upang ihanda ang sarili.

Dahil ang pagiging pulis ay hindi lamang tungkol sa ranggo, badge at uniporme. Mas mahalaga ang karakter na dadalhin mo kapag ipinagkatiwala na sa iyo ang responsibilidad na maglingkod at protektahan ang mamamayan.

At para sa mga ina at kababaihang nangangarap maging pulis, ang kuwento ni PCpl Kimberly Tabat ay isang paalala na ang pagiging babae o pagiging isang ina ay hindi nangangahulugang wala ka nang puwang para mangarap.

Maaaring mas mahirap ang inyong paglalakbay. Maaaring kailangan ninyong pagsabayin ang responsibilidad sa pamilya at paghahanda para sa sariling kinabukasan. Ngunit ang bawat maliit na hakbang na ginagawa ninyo ngayon ay maaaring maging bahagi ng mas malaking kuwento balang araw.

Noong 2019, Police Trainee lamang ang nakikita natin.

Ngayon, PCpl Kimberly Tabatโ€”โ€œAling Pulis KB.โ€ inspirasyon ng kababaihan

At para sa police applicant na nagbabasa nito ngayon, maaaring ikaw naman ang susunod.

Huwag mong maliitin kung nasaan ka ngayon dahil lamang malayo pa ang gusto mong marating.

Maghanda. Magsikap. Maging disiplinado. Ingatan ang iyong pangalan at prinsipyo. At kapag dumating ang araw na maisuot mo na ang pinapangarap mong uniporme, tandaan:

Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang ang maging pulisโ€”kundi ang maging pulis na karapat-dapat sa tiwala ng sambayanan.

MANGARAP. MAGSIMULA. MAGTIYAGA. MAGLINGKOD.

Dahil minsan, ang isang simpleng Police Trainee na may hawak lamang na papel at pangarap ay maaari ring maging inspirasyon ng susunod na henerasyon ng mga pulis.






05/09/2026

Isang karangalan makasama ka at maging kaibigan ka.
Isa sa may pinaka nakakainspire na story na kasamahan sa serbisyo at isa sa pinaka mahusay at dedicated. Nawa'y maulit to.

Godbless you Sir Yong!

ASIBAM ๐Ÿ™๐Ÿปโœจโ˜๐Ÿป

21/08/2026

Kantang nakatadhana talagang kantahin ko para sa tatay ko.

I love you Edward Olmedo

๐™๐™ค ๐™ข๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–, ๐™ข๐™ฎ ๐™ž๐™™๐™ค๐™ก, ๐™ข๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃโ€”No words can describe gano ka namin kamahal at gano kita nilu-look up papa.Isa ka sa...
21/08/2026

๐™๐™ค ๐™ข๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–, ๐™ข๐™ฎ ๐™ž๐™™๐™ค๐™ก, ๐™ข๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃโ€”

No words can describe gano ka namin kamahal at gano kita nilu-look up papa.
Isa ka sa dahilan ng kung bat ako nahubog ng ganto at bakit ganto ako ka dedicated at motivated palagi sa lahat ng ginagawa ko lalo dito sa serbisyo, dahil sa paglaki ko, ganun na nakikita ko sayo.

Lagi mo sinasabi proud ka saken, di mo alam mas proud ako na TATAY KITA.

I love you papa, balang araw masusundan ko din yapak mo, pangako. ๐Ÿ”นโœจ

Gagawin ko lage best ko para maging proud kayo ni mama saken.

Wala na kong hiling kundi maging ok lagi health mo at mas maenjoy mo yung journey mo ngayon.. (more travel at bonding sa fam)

Godbless and enjoy your day!!

Happy Birthday! We love you!! ๐Ÿ‘ฎ๐Ÿปโ€โ™‚๏ธโœจ
PMAJ EDWARD OLMEDO (ret)

๐Ÿ‘ฎ๐Ÿป๐Ÿคโœจ
20/08/2026

๐Ÿ‘ฎ๐Ÿป๐Ÿคโœจ

Babaeng Iniwan,
Nakaranas ng ilang taong pang a-abuso,
Nasaktan, Nangarap,
Nagpursige matupad ang pangarap,
Nag succeedโ€”ngayon boses na ng mga kababaihan at kabataan na nakaranas ng pang aabuso. ๐Ÿ‘ฎ๐Ÿปโ€โ™€๏ธ

Nanay-na-tatay na araw araw lumalaban sa hamon ng buhay para sa magandang kinabukasan ng anak at buong pusoโ€™t dedikasyong nagsisilbi sa bayan.

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐™„๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™’๐™ค๐™ข๐™š๐™ฃโ€™๐™จ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ sa lahat ng malalakas at independent na kababaihan. ๐Ÿ’œ

Kaya naten to. ๐Ÿ’ช๐Ÿฝโœจ




๐Ÿ’š
17/08/2026

๐Ÿ’š

Ur mommy warrior. ๐Ÿ’š๐Ÿ’ช๐Ÿฝ

never mo mapapasuko sa anumang aspeto.

Ika nga, walang mahirap, sa taong
ma-pangarap.

๐Ÿ‘ฎ๐Ÿปโ€โ™€๏ธโœจ

Para sayo to anak ko, at para sa future. ๐Ÿ”ธ

08/08/2026

Papabor din sayo ang panahon. ๐Ÿ™๐Ÿผโœจ
Wag ka lang mapagod magpursige.

Nakikita ng Diyos lahat ng mga sakripisyo mo.

Address

Pasig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aling Pulis KB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share