BRUZY WELCOME TO BRUZY NATION!!! I mostly stream Valorant and Axie Infinity. Like and follow the page :D

TUESDAY JABOL NIGHTS with META AI...Tyrene Labrador Watty Ramone Rodil De Los Reyes
22/10/2024

TUESDAY JABOL NIGHTS with META AI...

Tyrene Labrador Watty Ramone Rodil De Los Reyes

16/06/2024

"T A T A Y"

Dad, It's been 10 years, magmula nung mawala ka,
Sa akin nalipat, tungkulin ng pagiging ama;
Ang sabi ko noo'y, "Pahinga ka na dad ako na bahala!",
Nawa'y sana, nagagampanan ko mga 'to ng tama.

Ikaw ang aming haligi ng tahanan,
Paglisan mo'y sobra akong nahirapan;
'Pagkat hindi ako sanay na mawalan,
Mawalan ng amang, ako'y gagabaya't tuturuan.

Bata palang kami'y pinaramdam mo na samin,
Pagiging ama na, inyong naging tungkulin,
Pagmamahal sa pamilya dapat naming unahin,
At maging tamang asal na di dapat namin limutin.

Pinakita mo sakin kung ano dapat ang tama,
Ang tamang proseso kung paano maging ama;
Maging matatag at kalmado sa ano mang sirkumtansya,
Mga sirkumtansya sa buhay na aming matatamasa.

Mga problema sa buhay, inyong minamani,
Pagisip ng solusyo'y 'di hamak na madali;
Tamang asal ang inyong iminumungkahi,
Ang dapat itatak sa isip sa aming paglaki.

Sana Dad, magabayan nyo parin ako,
Sana Dad, sa panaginip man lang magpakita kayo;
Kami lahat dito miss na presensya nyo,
Pati mga banat na patawa at inyong mga biro.

Mga biro at patawa na aking namana,
Galing sa inyo itong talentong nakuha;
Pagiging palabiro't masayahin sa'ming magbabarkada,
Na siyang maidadala ko hanggang sa aking pagtanda.

Kaya sa mga taong, nandyan ang magulang pa,
Maswerte kayo't nakakasama niyo pa sila;
Lubusin nyo na sana ang kanilang presensya,
'Pagkat dadating ang araw na sila'y lilisan na.

Kung isa ka sa mga taong, sa magulang ay may galit,
Maging aral sana ang tulang to't 'wag nang ipagkait,
Mga mabuting bagay na dapat nilang makamit,
Gaya ng iyong pagmamahal at iyong malasakit.

Pahalagahin sana ang bawat minuto,
Pahalagahin sana ang kanilang mga turo;
Pahalagahin sana biyayang ipinagkaloob sayo,
Ng ating Diyos Ama, ang taga gabay ng ating mundo.

Kung nasan ka man dad, Nawa'y masaya ka,
Kung nasan ka man dad, Sana saki'y proud ka;
Kung nasan ka man dad, gusto ko lang ulit sabihin na,
"Miss na kita, Dad! Mahal na mahal kita!"

Happy Father's Day to all the dads out there!

13/06/2024

KALAYAAN

Independence Day o Araw ng Kalayaan,
Mahigit isang dekada na ang dumaan;
Ika-labingdalawa ng Hunyo taong isang libo, walong daan, siyamnaput walo,
Mula nung makamit natin to, kapwa ko mga Filipino.

Kamusta na ba ang ating inang bayan,
Nagawa nyo ba kamustahin ang kanyang kalagayan?
Batid ng ninuno natin, kanya lamang kabutihan,
Nawa'y ating henerasyon, katungkula'y nagagampanan.

Ika nga ni Rizal, ang ating pambansang bayani,
Kabataan ang pag-asa ng bayan, kanyang mungkahi;
Sana'y 'wag nating limutin kanyang minimithi,
Upang ating mga bayani, tayo'y maipagmalaki.

Tayo na't ipagdiwang ang ating kalayaan,
Ipinaglaban ng ating mga kanunu-nunuan;
Mula sa pagsusulat sa dayuhang kalaban,
Hanggang sa humantong na sa ating himagsikan.

Parati nating dapat tatandaan,
Sila'y lumaban hanggang kanilang kamatayan.

Huwag sana nating sayangin,
Kanilang sakripisyo't hangarin;
Makakabuti sa bansa'y siyang gawin natin,
Upang ang kasunod na henerasyon, ito ang gayahin.

16/05/2024

Happy Birthday to my homie, Yennybelles! Hope you'll enjoy your special day!

This video will tell you the history of TPJ and who is Yenny as a friend, and a sister from another mother!

12/05/2024

"N A N A Y"

Directed and Edited by BRUZY

Happy Mother's Day to all the moms out there!

29/03/2024

EndStream.mp4

SHEEEEEESH!!!Another satisfied customer in Fiverr!!!This is the kind of feedback that keeps you motivated and makes you ...
02/11/2022

SHEEEEEESH!!!

Another satisfied customer in Fiverr!!!

This is the kind of feedback that keeps you motivated and makes you do your best everytime!

TENCHUUU SO MATS!!!💙💙💙

If you want to check out my gigs in my Fiverr account, you can use the link below. ORDER NA KAYO HEHEHE 😃
https://www.fiverr.com/bruzzzy


Yung sabay kayo nanood ni Razzie ng POR... este CORNHUB sa ESGS!!!
31/10/2022

Yung sabay kayo nanood ni Razzie ng POR... este CORNHUB sa ESGS!!!

01/08/2022

For those who underestimate the power of initiators ;) iwan pati kakampi si Neon hahaha

Address

Seashell Lane Mall Of Asia
Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRUZY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share