17/08/2026
Umaraw man o bumagyo, palaging magpapatuloy ang mga pusong handang maglingkod.
“Napakalaki ng iyong pananampalataya!” — Mateo 15:28
Sa Mabuting Balita kahapon, makikita natin ang matibay na pananampalataya ng babaeng Cananea. Siya ay patuloy na lumalapit kay Jesus at humingi ng tulong para sa kanyang anak kahit hindi naging madali ang kanyang paghihintay.
Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na huwag agad sumuko sa panalangin. Tayo ay magtiwala sa Diyos kahit hindi natin agad nakikita ang sagot. Sa tamang panahon ay ipapakita Niya ang Kanyang pagmamahal at awa.