24/09/2026
"SIGNS NA MALAYO KA NA SA PANGINOON"
1. Hindi mo na maintindihan ang tinig ng Diyos
-May mga pagkakataon na nagbabasa tayo ng Bible at nakikinig sa simbahan ay parang wala tayong maintindihan. Maraming bagay ang nagiging hadlang at ingay mula sa paligid na nagiging dahilan kung bakit hindi natin maintindihan ang gustong sabihin ng Panginoon para sa atin. Hindi natin maunawaan dahil may mga bagay na nakakapaglihis ng atensyon natin. May naririnig at nababasa tayo ngunit wala tayong maintindihan at hindi tumatagos sa puso natin.
2. Hindi mo na pinapakinggan ang Diyos
- May mga pagkakataon sa buhay natin na hindi nasanay na tayo sa mga paulit-ulit na kasalanan at pagkakamali na ating ginagawa. Hindi na tayo nakakaramdam ng kunsensya at hindi na natin marinig ang pakikipag-usap ng Diyos sa atin. Kapag nakagawa ka ng kasalanan, hindi ka na lumalapit sa Panginoon para manalangin at hindi mo na hinahanap ang sagot sa problema mo sa pagbabasa ng Salita ng Diyos. Nasanay na tayo na hindi pinapakinggan ang Diyos kahit gusto Niya tayong kausapin at tulungan sa sitwasyon natin.
3. Hindi mo na makita ang kalooban ng Diyos
- May mga pagkakataon sa buhay natin na ang mga desisyon natin ay taliwas sa kalooban ng Diyos dahil naniniwala tayo na magiging masaya tayo kapag ginawa natin ang gusto natin. Gusto natin gawin ang mga bagay na hindi naaayon sa kagustuhan ng Panginoon para sa atin. Hindi na mahalaga sa atin kung napasaya natin ang Panginoon dahil ang mas mahalaga ay ang sarili nating kaligayahan.
Ano ang masasabi mo dito? At ang ang mga signs na alam mong nagsasabi na malayo na tayo sa Panginoon?