13/06/2026
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Sarangkrus Show noong Mayo 22 sa Tramo St., Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, pagmamahal sa sining, at walang sawang suporta ng bawat isa.
Nagpapasalamat din kami sa Kamayan Youth Club at kay Hermana Mayor Annette Dela Cruz at sa kanyang buong pamilya sa kanilang kabutihang-loob, paggabay, at walang sawang pagsuporta. Maraming salamat din po sa mga magulang na laging nariyan upang umalalay at sumuporta sa bawat pagtatanghal at gawain ng aming grupo.
Sa aming mga cast at production team, maraming salamat sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagtutulungan upang maging matagumpay ang palabas na ito. Mula sa aming mga puso, maraming salamat sa lahat ng tumulong at nakiisa. Hanggang sa muli, dala namin ang mga alaala at pagkakaisang nabuo sa pagtatanghal ng Sarang Krus 2026. 🎭✨