21/06/2026
Ngayong ika-21 ng Hunyo 2026, malugod at taos-pusong pagbati ng Komedya ng San Dionisio sa lahat ng mga ama na nagsisilbing haligi ng tahanan, gabay ng pamilya, at huwaran ng sipag, pananampalataya, at pagmamahal.
Tulad ng matatapang at mararangal na ama sa tabing ng Komedya, ang bawat ama ay handang magsakripisyo at lumaban para sa kapakanan ng kanilang pamilya. Sa kanilang tahimik na pagsisikap at walang sawang pagtitiis, patuloy nilang naitatanghal ang tunay na diwa ng pagmamahal at paglilingkod.
Sa pagdiriwang na ito, sama-sama nating hinihiling ang paggabay at panalangin ni San Jose o Tata Husep, isa sa mga patron ng Barangay San Dionisio at ng Komedya ng San Dionisio. Bilang mapagkalingang ama at tapat na tagapag-alaga ng Banal na Mag-anak, nawa’y maging inspirasyon siya sa lahat ng mga ama upang manatiling matatag sa pananampalataya, mapagmahal sa pamilya, at mapagpakumbaba sa paglilingkod.
Katulad ng isang makahulugang pagtatanghal ng Komedya, nawa’y manatiling buhay sa bawat tahanan ang pagkakaisa, pag-ibig, at pananampalatayang unang itinatanim ng isang ama.