Saint Anthony Gospel Choir

Saint Anthony Gospel Choir Founded way back on October 25, 1998, and became the official choral group of San Antonio de Padua Chapel in the year 2000. We're happy to serve!

The founder adopted October 25, 2000, as its foundation day.

Happy to Serve 😇
02/08/2026

Happy to Serve 😇

Linggo, Agosto 2, 2026 | Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel Isaias 5...
02/08/2026

Linggo, Agosto 2, 2026 | Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

Isaias 55, 1-3

"PINAKAKAIN MONG TUNAY,
KAMING LAHAT O MAYKAPAL."

Roma 8, 35. 37-39

MABUTING BALITA
Mateo 14, 13-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siya’y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila’y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

Nang dapit-hapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.” “Hindi na sila kailangang umalis pa,” sabi ni Hesus. “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” Sumagot sila, “Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.” “Dalhin ninyo rito,” sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila’y nakapuno ng labindalawang bakol ng hati-hating tinapay. May limanlibong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Linggo, Hulyo 26, 2026 | Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)9:00am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel 1 Hari 3...
27/07/2026

Linggo, Hulyo 26, 2026 | Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
9:00am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

1 Hari 3, 5. 7-12

"INIIBIG KO NG LUBOS,
TANANG UTOS MO P**NG DIYOS."

Roma 8, 28-30

MABUTING BALITA
Mateo 13, 44-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laking tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.

“Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukirin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang mga walang kuwenta. Gayun din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Doo’y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.

“Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?” tanong ni Hesus. “Opo,” sagot nila. At sinabi niya sa kanila, “Kaya nga, ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🎉 Happy Birthday, JAYLEEN! 🎉Patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, nawa'y lalo pang tumibay ang iyon...
20/07/2026

🎉 Happy Birthday, JAYLEEN! 🎉

Patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, nawa'y lalo pang tumibay ang iyong pananampalataya at patuloy kang maging instrumento ng Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng iyong pag-awit.

- Saint Anthony Gospel Choir

Linggo, Hulyo 19, 2026| Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel Karunu...
20/07/2026

Linggo, Hulyo 19, 2026
| Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

Karunungan 12, 13. 16-19

"P**N IKAW AY MABUTI,
SA LAHAT NG NAGSISISI."

Roma 8, 26-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Maikling Pagbasa
Mateo 13, 24-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga tao. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Linggo, Hulyo 12, 2026 | Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel Isaias 5...
12/07/2026

Linggo, Hulyo 12, 2026 | Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

Isaias 55, 10-11

"NAGBUNGA NG MASAGANA,
BINHI SA MABUTING LUPA."

Roma 8, 18-23

MABUTING BALITA
Mateo 13, 1-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noon ding araw na iyon, si Hesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalimpumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig!”

Lumapit ang mga alagad at tinanong si Hesus: “Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?” Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.

Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi:
‘Makinig man kayo nang makinig,
hindi kayo makauunawa,
at tumingin man kayo nang tumingin,
hindi kayo makakikita.
Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata.
Kung di gayon, disin sana’y nakakita ang kanilang mga mata,
nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sa akin,
at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.’

“Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita, at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito napakinggan.”

“Pakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kaya’t hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng naghasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salita’y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kaya’t hindi makapamunga. At inilalarawan ng naghasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Sila’y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatalumpu.”

o kaya:
Mateo 13, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noon ding araw na iyon, si Hesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalimpumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🎉 Happy Birthday, ROCHELLE! 🎉Hangad namin ang mabuting kalusugan, mas marami pang kaarawan at masaganang pagpapala. Nawa...
11/07/2026

🎉 Happy Birthday, ROCHELLE! 🎉

Hangad namin ang mabuting kalusugan,
mas marami pang kaarawan at masaganang pagpapala. Nawa'y patuloy kang gabayan
at pagpalain ng Panginoon.
God bless you always!

- Saint Anthony Gospel Choir

🎉 Happy Birthday, KIM! 🎉Pagpalain ka ng Panginoon ng mabuting kalusugan, at gabayan sa iyong pag-aaral at patuloy na gab...
08/07/2026

🎉 Happy Birthday, KIM! 🎉

Pagpalain ka ng Panginoon
ng mabuting kalusugan, at gabayan sa iyong pag-aaral at patuloy na gabayan sa paggamit ng iyong mga talento para sa Kanyang kaluwalhatian.
Have a wonderful birthday!

- Saint Anthony Gospel Choir

🎉 Happy Birthday, JALIXIEN! 🎉Nawa'y pagpalain ka ng Panginoon ng mabuting kalusugan, tagumpay sa iyong pag-aaral at patu...
08/07/2026

🎉 Happy Birthday, JALIXIEN! 🎉

Nawa'y pagpalain ka ng Panginoon ng mabuting kalusugan, tagumpay sa iyong pag-aaral at patuloy na gabayan
God bless you always, and have
a wonderful birthday!

- Saint Anthony Gospel Choir

Linggo, Hulyo 5, 2026 | Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel Zacari...
07/07/2026

Linggo, Hulyo 5, 2026 | Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

Zacarias 9, 9-10

"DIYOS KO AT AKING HARI,
PUPURIHIN KITANG LAGI."

Roma 8, 9. 11-13

MABUTING BALITA
Mateo 11, 25-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.

“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Tramo Uno
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Anthony Gospel Choir posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category