18/06/2026
Dear Cabal: Ultimate Combo - PH,
Ako lang ba, o parang paulit-ulit na lang talaga ang nangyayari sa laro?
Gets naman namin na kailangan gumastos para lumakas ang character. Parte naman talaga yon ng progression ng Cabal at wala namang problema don. Pero parang dumating na tayo sa punto na puro na lang pagpapalakas ng character ang ginagawa natin habang naghihintay kung ano na naman ang susunod na update.
Marami na rin akong nakikitang players na burnout na. Hindi dahil ayaw na nila sa laro, kundi dahil hindi na nila maintindihan kung saan ba talaga papunta ang lahat. Magfa-farm, mag-uupgrade, gagastos, tapos aantayin ulit ang next update. Paulit-ulit na lang.
Nakakatawa nga minsan kasi dapat ang Cabal yung takbuhan natin kapag pagod tayo sa trabaho, school, o sa totoong buhay. Pero parang baliktad ang nangyayari. Imbes na dito tayo ma-relax, dito pa tayo napapagod.
Masaya naman na may roadmap na pinakita at kahit papaano may idea tayo sa mga darating. Pero sana habang hinihintay iyon, may mga content din na talagang mae-excite ang players, hindi yung pakiramdam na naghihintay na lang tayo sa susunod na bagay na kailangan ulit pag ipunan o gastusan.
Hindi ito hate post. Feedback lang galing sa isang player na gusto pa ring makita na maging mas okay ang laro. Marami pa rin naman ang sumusuporta at naglalaro araw-araw. Sana lang maramdaman din namin na may dahilan pang mag-log in dahil masaya ang laro, hindi dahil kailangan lang sumabay sa progress
– Concerned Player