20/09/2025
🙏🙏🙏
Setyembre 21 | Araw ng Panalangin at Pananagutan Laban sa Katiwalian
Makilahok sa sama-samang panawagan para sa katarungan at pananagutan sa gitna ng talamak na katiwalian.
Maaari kang makiisa sa mga pagkilos sa Luneta, sa EDSA, at sa iba pang lugar sa inyong pamayanan.
Ngunit kung hindi ka makakadalo, ipakita ang iyong pakikiisa.
Manalangin. Mag-ayuno. Manindigan.
Magsuot ng puting damit kahit saan ka naroroon — kahit sa pagdalo mo sa Banal na Misa sa Dambana.
Isang kulay. Isang panawagan. Isang bayan para sa katarungan!