12/06/2026
ISANG PAGPUPUGAY SA 220 MATATAPANG NA MURALISTANG PILIPINO 🎨🖌️
Ngayong Araw ng Kalayaan, kinikilala namin ang inyong husay, tapang, at pagmamahal sa bayan. Saludo kami sa inyong ambag sa pagpapaigting ng kamalayan at pagmamalasakit para sa ating mahal na West Philippine Sea.
Mula sa Aparri hanggang Jolo, Sulu, ipinamalas ninyo na ang sining ay higit pa sa kulay at larawan ito ay tinig ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at matapang na paninindigan para sa ating pambansang karagatan.
Mabuhay ang Kalayaan.
Mabuhay ang Sining.
Mabuhay ang Muralistang Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas. 🇵🇭