18/04/2026
Nice question from grade 12 student from De La Salle Lipa City.
Magandang araw po! 😊
Kami po ay mga Grade 12 students mula sa De La Salle Lipa at gumagawa po kami ng project tungkol sa taka (papier mache) mula sa Paete, Laguna. Nakabili po kami ng inyong taka at kakareceive po namin ito kahapon. Nais po sana naming matuto pa tungkol sa paggawa nito.
Puwede po ba kaming humingi ng kaunting oras ninyo para sagutin ang ilang katanungan namin?
Ito ay upang maintindihan ang process, challenges, at kahalagahan sa kultura ng taka-making. Gagamitin po namin ang inyong sagot bilang primary source para sa aming project at ilalagay po namin ang tamang credit.
If it’s okay po, ito po ang aming mga tanong:
1. Paano po ginagawa ang taka from start to finish? (brief process lang po) - sa unang umpisa ay gumagamit kame ng hulmahang kahoy na inukit ng mga taga paete na ibat ibang uri ng desenyo, ang molde ay pinapahidan ng wax sa umpisa para mabilis mahuban ang mga papel na tinatapal dito.. 8to10 layers ang pag tapal ng mga diaryo, patutuyuin ito gamit ang dryer na di kahoy, at pwede rin ito sa sikat ng araw, after matuyo ay babaakin na ito gamit ang cutter para hubadin ang mga papel na natuyo, tsaka namn ididikit muli ang na cut na area ng mga papel gamit ang rugby, at pag katapos i sasander ang mga ito para kuminis, after nito ay babalutan muli ito ng mga brown paper.. finished product npo yan
2. Gaano po katagal gawin ang isang taka? - depende sa desenyo at lake at dame ng moldehan. Kung 10 ang molde kaya mkagawa ng 10pcs every 4hours.
3. Ano po ang mga challenges na nae-encounter ninyo sa paggawa o pagbebenta ng taka? - masaya gumawa ng taka, dahil isa ito sa kinabubuhay ng mga taga paete, ang nakakalungkot lng ay depende dn sa panahon ang pag order ng mga mamimili.
4. Napapansin niyo po ba na mas kaunti na ang gumagawa o bumibili ng taka ngayon? Why or why not? - Mas madali na makapag benta ngayon dahil sa tulong ng internet at social media, online selling platform.
5. Sa tingin niyo po, bakit mahalagang mapreserba ang taka bilang bahagi ng kultura natin? Mahala ito ma preserba dahil sayang ang minana nting hanap buhay na mismo sa bayan ng paete nag mula,
6. May interest pa po ba ang younger generation sa pag-aaral ng taka-making? - Sana dahil opportunity ito na bigay ng Dios sa mga taga paete para mag bigay ng hanap buhay at mag karoon ng pag unlad ang bayan ng paete at mga manggagawa nito.
Maraming salamt dn po sa inyo,
Maraming salamat po sa inyong oras at sa patuloy na pagpreserba ng ating sining at kultura!