17/12/2025
Ang Musikerong Gapo ay taos pusong nagpapasalamat sa buong Olongapo City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Kaye Legazpi lalong lalo na kay Councilor Jamiel Khonghun Escalona at Councilor BJ Cajudo sa paggawad ng accreditation at pagkilala sa aming organisasyon.
Isa po itong malaking tagumpay para sa mga musikero ng Olongapo na may malaking ambag kaya nakilala ang Olongapo hindi lang sa buong Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo. πππ
Matagumpay na naipasa ni Councilor Jamiel Khonghun Escalona, Chairman ng Committee on Organizational Development and Personnel Matters, ang resolusyong nag-aapruba sa aplikasyon para sa akreditasyon ng Musikernong Gapo 2020, Inc.
Ang nasabing resolusyon ay inihain at tinalakay sa 23rd Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo. Ito ay alinsunod sa itinakda ng Republic Act 7160 o Local Government Code of the Philippines, kasama ang mga kaukulang Implementing Rules and Regulations.
Sa pagpasa ng resolusyong ito, binibigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan ang mahalagang papel ng Musikerong Gapo 2020, Inc. sa paghubog at pagsusulong ng kultura, sining, at talento ng mga OlongapeΓ±o. Patuloy na isinusulong ni Councilor Escalona ang pagsuporta sa mga organisasyong naglilingkod at nakikilahok sa ikauunlad ng komunidad.